CHAPTER 25

6.8K 108 5
                                    

Chapter 25: Engagement party

MY PARENTS came almost together sa hotel. Tita Mommy is immediately letting them enter our penthouse. Dad had his own penthouse too. Mommy checked in with her husband first. Then my three brothers decided to stay in my penthouse. Because I have two extra rooms. Knowing them na mas bet nila ang tumira sa poder ko. Ganoon sila kalapit sa akin kahit na minsan ay sinusungitan ko sila.

“Ate, pahingi naman po ng snack diyan. I’m thirsty po. Kanina pa talaga, gusto ko ng juice,” request ni Cloud at tumihaya pa siya sa couch. Napatingin pa ako sa sneakers niya. Dahil yata sa kapaguran niya ay hindi na siya nag-abala pa na hubarin iyon.

“Ate Novy, I’ll adjust your aircon po, ha? Mainit kasi sa labas kanina and super mainit din here,” sabi naman ni Lemery at lumapit sa aircon. Hindi sila sanay sa init ng panahon dito sa Philippines. Sanay sila sa malamig.

“I’ll be the one who check your refrigerator if may snack ka na puwedeng kainin doon, Ate,” Primo uttered sabay tayo niya.

“No, just use my telephone and call for a room service. Wala nga ako na puwedeng lutuin diyan,” I told him. Nag-thumbs up lang siya sa akin. Since nasa center table lang namin ang telephone ay hindi na siya tumayo pa.

I approached Cloud at nag-squat ako sa gilid niya, sa bandang paanan niya para hubarin ang sneakers niya.

“That smell so bad, Ate,” paalala pa niya sa akin nang akma pa niyang ilalayo ang paa niya ay marahan kong pinalo iyon para hindi siya gumalaw.

“Hubarin mo na kasi agad,” masungit na sabi ko. Nakita ko naman ang mabilis na paghuhubad ng dalawa ng kanilang mga sapatos. Alam nila na kapag hindi nila iyon tatanggalin ay ako mismo ang gagawa. Sinuri ko pa ang talampakan niyang namumula saka ko ito pinitik.

“Ouch, Ate! That hurts!” reklamo niya sa akin.

Naghanap ako ng extra slippers ko at tumaas ang sulok ng mga labi ko dahil walang panlalaki. Si Tita Mommy and Devi ang bumibili ng mga ito. Kakasya naman siguro sa kanila kasi may kalakihan ito. Kinuha ko ang tatlong slippers na pambabae. Pink and blue ang color nila.

“Ate, I don’t need that kind of slippers. Okay na po ako sa wala,” mabilis na sabi ni Cloud at hinawakan pa niya ang paa niya. Nakaupo na kasi siya. Inilagay ko sa tapat niya ang slippers na may tainga at mga mata.

“No. Use this,” mariin na saad ko.

“Well, I’m fine with Doraemon, Ate. So cute,” sabi naman ni Lemery at isinuot pa niya iyon. Nilingon ko naman si Primo.

“Uhm... Do I need to use this po?”

“Puwede rin. Tapos mag-check in kayo sa hotel room,” sabi ko.

“Eh, I’ll use na lang. Gusto ko rito, Ate. Komportable ako sa unit mo, dahil makakatulog ako ng mahimbing knowing na place mo ito,” Primo uttered. Siya talaga ang nakababatang kapatid ko na may kaartehan sa katawan.

Well, true naman na hindi siya comfortable sa ibang place. Wala naman siyang insomnia pero nahihirapan siyang matulog. While Lemery ay siya naman ang pinaka-calm sa mga kapatid ko. Wala siyang kaartehan sa katawan at kung ano lang ang mga nakikita niya ay hindi siya nagrereklamo. Kahit sofa lang ang tutulugan niya ay wala kang maririnig na reklamo from him. Iniisip ko nga minsan na baka siya talaga ang mas matanda kaysa kay Primo. Si Cloud naman ang pinakamaingay at pa-baby. Magkasundo silang tatlo.

“Ate, ang tagal ng room service ninyo.”

“Just wait for it, Primo,” mahabang pasensiyang saad ko.

Hindi nga nagtagal ay may nag-doorbell na pero sumimangot siya nang makita ang parents ko. Napakamot na lamang siya sa batok niya at bumalik sa kinauupuan niya kanina.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon