Chapter 66: Accident
“OKAY ka na, Novy?” tanong sa akin ni Wayne. Siya ang kausap ko through video call. Napahikab pa ako at narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
“Medyo, mabigat ang pakiramdam ko pero pupunta ako sa gym para mag-practice. May olympic competition na naman kami,” sabi ko at ang bigat-bigat ng talukap ng mata ko. Dahil ito sa pag-iyak ko kagabi at sumasakit din ang sentido ko. Hang-over.
“Nakainom ka na ba ng gamot?” Tumango ako. Honestly speaking ay masama nga ang pakiramdam ko. Inaapoy na rin ako ng lagnat pero ayokong mag-stay rito sa penthouse ko dahil matutulala lamang ako.
Dumating si Wayne kagabi para samahan kaming maglasing. Hindi ko na rin alam kung paano siya nakauwi kasi nakatulog agad ako. Nang magising ako ay katabi kong nakahiga si Devi at si Tita Mommy pa ang nag-asikaso sa amin.
“Kailangan ko na ngang mag-ready.”
“Okay, sa lunch time na tayo magkikita.” I nodded again.
Pinigilan pa ako ng tita ko pero nagpumilit pa rin ako. Wala pa kasi rito si Lenoah at hindi pa siya naihahatid ng daddy niya, and speaking of the devil. Wala na akong pakialam pa sa kanya, ngayon.
I promise to myself na hindi ko na siya iiyakan pa at kalilimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Tama na ang minsan na akong nagpakatanga at ngayon ay hindi na ako uulit pa. Hinding-hindi na.
***
Mainit ang balita tungkol sa engagement party nila at kahit hindi pa engage sina Michael at Kalezy noon ay palagi siyang pumupunta sa gym kung saan nagpa-practice ang mga tennis player.
Ganito rin ang ginagawa niya sa akin. Manonood siya ng practice namin kahit umaabot pa siya ng isang oras ay hindi siya nababagot sa kahihintay sa akin pero ngayon... Ibang babae na ang pinapanood niya.
Dahil nabasa ako ng ulan kagabi ay nilagnat nga ako pero pumasok din naman ako kasi may practice nga kami. Malapit na naman ang competition namin pero nang mapansin ako ng coach namin na wala nga sa sarili kaya binigyan niya ako ng break. Balot na balot pa ako ng varsity jacket ko at talagang nilalamig ako.
“Novy! Hinahanap ka ng pogi mong boyfriend. Umiyak nang hindi ka makita!” sabi sa akin ng kaibigan kong tennis player din. Dati kong ka-team noon.
Kahit may sakit ako ay napangiti pa rin ako. Dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy niyang poging boyfriend ko. It’s my son.
Nakaharang ang net sa pagitan namin pero madalas ay iyon ang eksena naming dalawa. Nakahawak siya roon kaya lumuhod ako para mapantayan ko ang mukha niya. Namumula nga ang mga mata at ilong niya.
“Hi. Hinahanap mo ba ako, babe?” tanong ko sa kanya at napanguso siya.
“M-Mommy...”
“Bakit umiiyak ang poging boyfriend ko?” malambing na tanong ko sa kanya at akmang hahawakan niya ang magkabilang pisngi ko nang iniwas ko iyon. “May sakit ang girlfriend mo, babe. Bawal ang kiss, hug and touch dahil baka mahawa ang poging baby ni Mommy.”
“I just miss my girlfriend,” he said and chuckled softly.
“I miss you too, baby ko.”
“Lapit ka po, Mommy. Ililipat mo sa akin ang fever mo tapos ilipat ko naman po kay Daddy.”
“Ah. Kasama mo na naman ang karibal ng girlfriend mo, hmm?”
“Mommy...”
“I love you, Lenoah. Kita na lang tayo next time, babe. Promise puwede na ang kiss, hug and touch. Magiging okay rin si Mommy. Gusto mo cuddle in bed din?” tanong ko at kahit gusto ko siyang yakapin ay hindi naman puwede.
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
RomanceNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...