Chapter 44: Disappointment
NASA heartbreak scene pa lamang kami nang pinapanood naming 20 Years Later nang mag-ring ang ringtone ng phone ko. Nasa pouch ko iyon at nasa center table. Of course hindi iyon naka-silent mode.
Napatitig pa sa akin si Michael. I smiled at him and I picked up my pouch para tingnan kung sino ang tumatawag.
“Novy...” he uttered my name at nang makita niya na balak kong sagutin ang tawag ay napabuntong-hininga siya.
“Excuse muna, baby. I’ll pick up this call. Maybe this is important,” paalam ko and he gritted his teeth. “Michael...” Parang ayaw niyang sagutin ko ang phone ko.
Huminga siya nang malalim at saka niya lang binitawan ang kamay ko. He paused the movie too.
I stood up and when I saw his reaction ay parang gusto ko na ring i-decline ang calls. But Ms. Guerrero is the one who called me right now. Parang hindi ko rin ito kayang balewalain kasi mukhang may problema sa company. Hindi naman basta-basta tatawag iyon kung wala.
I heaved a sigh and I accept the call. “Ms. Guerrero...”
“I’m sorry for interrupting you, Ma’am. Tumawag lang po ako para ipaalam sa inyo ang tungkol sa supplier natin,” sambit niya. Base pa lang sa seryosong boses niya ay natitiyak kong may problema nga kami.
“What about our supplier, Ms. Guerrero?” I asked her.
“Gusto pong bawiin ng supplier natin ang mga equipment na in-order natin sa kanila dahil hindi pa raw tayo nakababayad.” Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Hindi pa kami bayad, eh napag-usapan na namin iyon.
“Ngayon darating ang supplier natin, right? Bakit nila babawiin. Fully paid na tayo,” ani ko at bahagya ko pang hinilot ang sentido ko.
“Hayon na nga po ang sinabi ko, Ma’am at ipinakita ko na rin po mismo ang receipt pero hindi po raw valid iyon. Wala tayong napirmahan na contract at ang taong nakausap po natin...” Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya.
“Tinakbo niya ba ang pera natin na pinambayad sa kanila kaya ngayon ay nirereklamo na tayo ng supplier natin?” malamig na tanong ko.
“G-Ganoon na nga po ang nangyari, Ma’am Novy at nag-resign na rin po ang secretary niya.” Mahigpit na kumuyom ang kamao ko. Ang babaeng iyon kami pa talaga ang ninakawan niya.
“Hindi puwedeng ma-delay ang work natin.”
“Kailangan niyo pong i-meet ang CEO nila, Ma’am. Baka po may mag-complain na client natin kapag hindi sila agad nakausap,” nababahalang wika niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napasulyap kay Michael. Na-g-guilty na naman ako. Ayokong iwanan siya dahil lang sa problema ko. Dahil baka magtatampo na naman siya and worst magalit pa.
“Just set the appointment with the CEO,” I said and saka ko nilapitan ang fiancé ko. “Michael...”
“Work? Kailangan mong umalis?” malamig na tanong niya.
“I-I’m sorry...” mahinang sambit ko na halos pabulong na rin.
“You said, ibibigay mo ang lahat ng oras para sa akin ngayong araw. Pero isang tawag lang ng trabaho mo ay iiwan mo na lamang ako rito?” Napayuko ako sa sinabi niya. Sumikip ang dibdib ko dahil sa nakita kong blangkong ekspresyon ng mukha niya.
“I-I just need to meet my supplier dahil sa bayad—”
“No need to explain me that, Novy. Alam kong hindi naman magbabago ang isip mo. Just leave,” mariin na wika niya and he played the movie again.
![](https://img.wattpad.com/cover/356723669-288-k626121.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
Roman d'amourNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...