CHAPTER 45

5.2K 74 1
                                    

Chapter 45: Jealous

“I’M SO disappointed, Novy Marie...”

“What a shame, Novy.”

By what he said, I felt the pang in my heart. I didn’t expected to hear that from him. Na-disappoint siya just because what I did earlier. Sinabi pa niyang nakahihiya nga ang ginawa ko. I just realized my mistake.

Nag-init ang sulok ng eyes ko at sa pagkurap ko ay may tumulo ng luha sa cheeks ko. Hindi ko rin matanggap na iyon ang sinabi niya.

Nagalit lang ako, nakaramdam lang ako ng selos dahil two weeks kaming hindi nagkita. Hindi pa enough sa akin ang communication namin dahil ang tipid niya sa mga replies niya. Kahit tinatawagan ko ang phone niya ay hindi naman siya sumasagot.

Sa loob nang ilang mga araw na iyon ay natural iyon ang magiging reaction ko at iisipin ko na may ibang babae na siyang dini-date dahil hindi natuloy at natapos ang date namin sana. Just like that ay alam kong na-disappoint ko rin siya. But he can’t blame me. Masyado ko siyang mahal at ganoon lang talaga ang reaction ko.

Hindi naman dahil wala akong tiwala, alam ko rin kung gaano niya ako kamahal pero sadyang...

“I-I’m s-sorry, M-Michael... I... I didn’t mean to do that...” nauutal na saad ko at halata sa boses ko ang pagsisisi sa ginawa ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya, nangangatal ang magkabilang palad ko.

“Novy,” tawag niya sa pangalan ko pero sunod-sunod ang bawat paghakbang ko.

“I’m... sorry...”

Napatutop pa ako sa bibig ko dahil parang gustong kumawala ang mga hikbi ko. Sobrang sikip ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga. I just realized what I did. Nakahihiya nga iyon at hindi lang iyon ang ginawa ko. Maski si Michael ay pinahiya ko rin siya sa client niya.

Basta na lamang ako sumugod sa kanila. Ano na lamang kaya ang iisipin niya na may isang fiancé na selosang makitid ang utak?

Pagsakay ko sa hummer ko ay hindi na ako nag-abala pang ikabit ang seatbelt ko sa katawan ko at basta ko na lamang pinaharurot ito. Nahagip ng mga mata ko si Michael na nakababa na rin siya at nagmamadaling sumakay.

Binilisan ko ang pagmamaneho ko dahil sa paghabol niya sa kotse ko. I felt the vibration coming from my phone. Everytime na may tumatawag sa akin ay agad ko itong sinasagot.

“Pull over, Miss!” Boses ni Michael ang narinig ko from the other line. His voice, may galit na naman iyon.

Nang mapatingin ako sa side view mirror ko ay sumusunod pa rin siya. To be honest ay nahihiya akong magpakita sa kanya. Wala akong mukhang maihaharap. Umikot ang pitik nang speed adjustment ng sasakyan ko at malulutong na mura ang narinig ko.

Dumulas sa kamay ko ang phone ko at nahulog ito sa seat ko. Shít!”

Bumagal ang pagtakbo ng car ko dahil sinubukan kong kunin sa baba ang aking phone ko. Hindi naman ako nahirapan pa at nakuha ko agad ito.

“Dámn it, Novy! Iliko mo!” narinig kong sigaw na naman niya. Tatlong highway, puwede kong iliko ang car ko pero sa kaliwang bahagi nito ay ang parating na truck pero kapag sundin ko sa left side ay posibleng mahahagip pa ako nito dahil sa dami ng kotse. Nakahinto naman ang iba kasi nasa traffic ang nasa kabila. “Novy!”

Hindi ko rin naman ito puwedeng ihinto kasi nakasunod nga si Michael. I took a deep breath at hindi ko na tiningnan pa ang truck. Basta ko na lang pinaharurot sa unahan. Alam kong maraming nagulat sa pag-take over ko at kamuntikan na rin itong masagi.

Naririnig ko rin ang pagpipigil niyang paghinga. Dumiretso na ako sa hotel ko at basta ko na lamang inihinto iyon sa tapat ng entrance. Malalaki ang bawat hakbang ko at nagtungo sa elevator. Nang bumukas ito ay agad akong sumakay. Pinindot ko ang button para magsara na siya.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon