CHAPTER 29

5.7K 80 2
                                    

Chapter 29: Intimate touch

“ZAFRINA is right. I agree to that. No offense, Ms. Novy. You’re a girl, I know you know your limits. Opisyal na ang relasyon ninyo at inaasahan mo naman siguro na ikakasal na kayo, ’di ba? Ayokong sabihin ito sa ’yo, because it’s your life and being a tennis player it’s your choice, it’s your passion. That’s one of your dreams. I didn’t say it too that you need to quit from it but... Michael, mahaba nga ang pisi ng pasensiya niya. But always remember that na may limitasyon ang bawat tao. Baka mapagod ang kaibigan namin sa ’yo. Mapagod siya sa daily routine mo.”

I don’t know what to say anymore. I don’t even know if sino rin ang may point or puwede bang pagtalunan namin ang tungkol sa bagay na iyon. Ang tungkol sa oras ko na dapat gawin kong first priority si Michael.

Hindi ko man priority si Michael ay hindi naman nila alam na ito ang naging dahilan kung bakit nagbukas ako ng business—ng company at ginamit ko ulit ang unang pangarap ko dati but I pursue the tennis.

Ni minsan nga ay hindi ko naisip iyon ang magkaroon ng work. Aside ang maglaro lang talaga.

“Stop it. It’s been almost three months since we know each other. Bago pa lang kami sa relasyon. We’re officially engage but it doesn’t mean na puwede na siyang huminto sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon. Kahit na kasal na kami ni Novy ay puwede niyang ipagpatuloy ang paglalaro niya,” pagtatanggol sa akin ni Michael. Nagtaas-baba ang palad niya sa likod ng baywang ko. Nagbigay iyon sa akin ng kakaibang kiliti. Ramdam ko ang mainit niyang palad.

As expected ay sasabihin niya talaga iyon, eh. Fiancé niya ako, natural na ipagtatanggol niya ako kahit mga friends pa niya ang magiging kalaban.

I admit naman na natakot ako sa sinabi nitong may limitasyon ang mahabang pasensiya ng isang tao. Hindi malabong mangyayari nga iyon. Ewan ko lang kung ano pa ang mangyari kapag naubos na nga ang patience sa akin ng fiancé ko. Na mapapagod na siyang intindihin ako.

“Well. Kahit busy ako ay hindi naman nawala sa isip ko si Michael. As you can see, arrange marriage lang naman talaga ang lahat ng ito. Almost three months pa lang noong nagkakilala nga kami. Mutuals naman ang feelings namin to each other. Michael is also important to my life. Kung ano man ang mga things na ginagawa ko as if now ay siya mismo ang dahilan ng lahat. Kung hindi man siya ang first priority ko ay siya ang inspiration ko,” mahabang saad ko. Ginawaran ko pa sila ng matamis na ngiti. Hindi ko na lang pinahalata pa sa kanila na medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Cold-hearted person ako ngunit ewan ko lang kung bakit pagdating kay Michael ay parang kayang-kaya akong masaktan nito. After saying those words ay naghari ang katahimikan sa pagitan naming lima. Unang tumikhim si Ocean at ngumiti pa siya.

“Lalabas na kami. Tapos naman na tayong kumain,” he uttered. Dinala pa nila ang pinagkainan nila at inalalayan si Zafrina na tumayo.

“Me too,” sambit naman ni Anthony. Wala na silang nai-comment pa sa sinabi ko.

“Pag-isipan mo pa rin kung sasama ka sa amin, Novy. One week lang naman iyon at sa tingin ko naman ay enough na sa ’yo ang one week to practice. You skilled and talented, you already mastered it,” said Zafrina. Tipid akong ngumiti sa kanya. Bago sila lumabas.

Olympic games iyon. International competition, kaya nga sa ibang bansa pa. I didn’t doubt my skills. Inaamin kong magaling na nga ako. Nag-aalangan lang ako na baka kailangan ko talaga ng full time practice pero ayoko naman silang ma-disappoint. That I choose my passion more than my Michael’s friends.

“No pressure, baby. Kailangan mo pa ring mag-practice para na rin makapaghanda.” Lumipat naman ako nang upo sa lap niya.

I wrapped my arms around his neck and rested my head against his right shoulder. Sumiksik na rin ako sa leeg niya. Sininghot ko pa ang amoy niya. Humalik siya sa sentido ko at hinagod ang likuran ko. Mahigpit niya akong niyakap.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon