Special chapter dedicated po sa lahat ng Mommies and sa mga mommy niyo po! Happy Mother’s Day po sa inyong lahat!
Special chapter 3: Happy Mother’s Day
NAGSALUBONG ang kilay ko nang hindi ko mahagilap ang mag-aama ko. Paggising ko ay wala na sa kama ang tatlo at si Lenoah ay wala na rin sa room niya. Maayos na nga ang bed niya. Alam kong siya naman ang gumagawa nito. Nakasanayan na rin niya kahit hindi na kailangan pa.
Tapos wala pang breakfast ang nakahain. Usually kasi kung sino ang nauunang nagising sa amin ng hubby ko ay siya ang nagluluto ng breakfast namin but now ay wala. Nasaan na ba silang lahat at iniwan na lang ako rito sa house namin?
Bumalik ako sa room namin at doon ko lang nakita ang isang box. Dahil curious ako ay tiningnan ko iyon at isang off-shoulder dress iyon na color red. Napangiti ako dahil mukhang may surprise ang engineer na iyon.
Mabilis lang akong naligo at agad ko nang isinuot iyon. D’orsay ang shoes ko. May sticky note pa ang nakalagay at pupunta lang daw ako sa mansion ng grandparents namin. Right, ‘namin’ na ang ginamit ko dahil mag-asawa na nga kami ni Michael.
Paglabas ko sa house namin ay napatakbo pa ako nang makita ko ang mga babaeng Brilliantes sa labas. Saan naman kaya sila pupunta nang ganitong kaaga?
“Hi, Coach!” masayang sigaw nila sa akin na sabay-sabay pa talaga.
Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang mga suot nila. Naka-red din silang lahat.
One-shoulder dress ang suot ni Rea, si May Ann naman ay one-piece na dress na favorite style niya iyan. Si Ate Theza ay deep-V blouse ang suot niya and skirt naman pababa. Sila iyong sisters-in-law namin ni Michael.
Iyong kapatid ni Ate Theza na si Lyka Ann, naka-wrapped dress siya at magkamukha talaga silang dalawa. Magkapatid nga sila. B, was wearing her column dress, wife siya ni Darrius.
White C, suot niya ang blouse niya na visible ang sando niya sa loob at pababa naman ay skirt na. Kuya Darcy’s wife.
N, M, H, A, I and E. Sleeveless, spaghetti strap, and maxi dress ang kasuotan nila. Inaamin ko na naka-i-insecure kapag titingnan mo ang mga magaganda nilang mukha. Hindi naman sila artista, iyong sanay sa camera. Iba nga lang ang passion nila at hindi basta-basta. Mabait naman sila at wala kang makikitaan na kaplastikan sa kanila.
“Hi, sisters! Papunta kayo sa mansion nina Grandma at Grandpa?” tanong ko at nagbeso-beso kaming lahat.
“Yeah, iniimbitahan yata tayo na mag-breakfast,” Lyka uttered at nakaangkla ang kamay niya sa braso ng kapatid niya. Close silang dalawa kahit ganyang edad na silang nagkakilala.
“At nagkataon lang ba ganito ang kulay ng mga damit natin kung hindi naman nakaplano ang lahat?” nakataas ang kilay na tanong ni Mae.
“Yeah, right. I’m curious,” Abe uttered.
“Just let’s go. Nandoon na rin yata ang mga bata,” pag-aaya sa amin ng wife ng eldest grandson ng Brilliantes.
Parang walang katao-tao sa mansion pagdating namin pero tumuloy pa rin kami at nandoon na rin ang wife ng bunsong anak nina Grandpa Don Brill at Grandma Lorainne. Pati ang mga tita namin at si Mommy Jina na halatang kanina pang naghihintay sa amin.
Si Aunt Rudelyn na pinsan naman ni Ate Theza. Yes, hilig ng mga Brilliantes na tuhugin ang magkapatid at pinsan. May iba pa na magkaibigan.
“Oh, hello. Pretty ladies, kanina pa kaming naghihintay ni Mama Lorraine para sabay-sabay na tayong maghahanap sa mga asawa nating inhenyero,” nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
RomanceNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...