CHAPTER 16

6K 82 1
                                    

Chapter 16: First date

“KILALA ninyo na po ako, Coach. Mas gusto ko ang maglaro na lang kahit buong araw pa. Of course kailangan ko pa rin naman po ng break,” I told her.

Napatingala ako sa langit dahil diretsong tumama sa akin ang sinag ng araw at masakit ito sa balat. Expected na nasa Pinas tayo at walang araw na hindi naging malamig ang panahon maliban na lamang kung may bagyo or maulap siya. Pero minsan ay maulap naman talaga siya.

Ang init ng klima sa bansa ay hindi naman iyong sobra-sobra talaga ang init na parang masusunog ka na at hindi lang ang iyong balat. Iyon nga lang ay pagpapawisan ka pa ng husto.

Kapag sa umaga ay rito kami nag-p-practice, sabi ni Coach ay may vitamins pa raw ang sikat ng araw pero kapag hapon na ay nasa loob na kami ng isang gymn na hindi na namin kailangan pang mainitin sa araw o pagpawisan pa dahil may aircon naman na. Fresh ka pa.

Pero para sa akin ay mas gusto ko ang pinapawisan ako dahil exercise na rin iyon.

“By the way. Kaya mo bang sumabak sa competition next month, Novy?”

Hindi ko lang talaga ninang ang best friend ni Tita Mommy. Dahil kahit coach lang siya marunong siyang magpahalaga sa player niya. Iniingatan niya kasi kami na mga alaga niya. Hindi rin siya strict at binibigyan niya kami ng break kapag nakikita niya kami na sobra ng pagod mula sa practice namin. Tinatanong pa niya kami kung kaya naming sumali sa competition and never din siyang naging favoritism.

“Opo. Nakapag-practice rin naman po ako rito at kasama ko ang new team ng tennis player doon. Kaya nakita ko kung saan sila mas kulang, kung may potential ba sila. Masasabi kong mayroon naman, lack of practice lang po but they can’t force naman na maging isang mahusay agad na player. Nagsisimula po tayo sa mababa na hindi pa natin kayang maging isang the best tennis player. Marami pa tayong pagdadaanan na pagsubok at isa na rin po roon ang kabiguan, right Coach?” Base lang naman iyan sa experience ko, kahit na minsan ay hindi ko rin naranasan ang matalo.

“Tama ka pero bakit ikaw ay hindi ka man lang nahirapan? Parang chicken na ang lahat sa ’yo, simula sa mga kalaban mo,” sabi niya at umakto pa siya na parang may hawak siyang handle.

“Coach naman, hindi naman po sa ganoon. Warm-up po muna ang gagawin ko as of now. Nasanay yata agad ang balat ko ng klima sa ibang bansa at masakit ang sikat ng araw na tumatama sa akin,” ani ko at hinaplos ko pa ang braso ko.

“Okay, sige go ahead. Check ko muna ang iba nating players,” sabi niya at itinuro niya ang mga ito na kasalukuyan nang naglalaro.

“Coach, single po ba ang laban natin?” I asked her bago pa man siya makaalis.

“Oo, single pero by rounds ay papalitan natin ang player. Bawal mapagod ang isang sasabak sa competition. Pero ikaw ang unang maglalaro para makapasok tayo sa first round. Mahuhusay naman ang kasama mo at kahit hanggang semi ay makakapasok tayo.” Isa rin ito na may tiwala siya sa kakayahan ng bawat isa.

“Sige po,” sabi ko at nag-stretch muna ako ng mga braso at binti ko saka ako nagsimulang tumakbo sa area nito.

Kalahating oras lang yata ang itinagal ko ay huminto na ako kasi ang init masyado, eh. Grabe, hindi ba ito uulan?

Nakahawak ako sa baywang ko nang lapitan ko ang bag ko at sumalubong sa akin si Coach Avemn. May ininguso siya kung saan pero hindi ko ’yon na-gets agad. Tiningnan ko ang laman ng backpack ko at kinuha ang tumbler ko pero pagbukas ko ay wala namang tubig. Hays, wala nga akong maiinom nito.

“Hey, Novy. Kanina ka pa hinihintay ng fiancé mo. Puntahan mo na. Kanina pa iyan,” sabi niya at napatingin ako sa hindi kalayuan na direction. “Mahaba pala ang pasensya niya, ha. Nakita rin namin iyong arrival ninyo sa airport at talagang sinugod ka ng fans mo. Mabuti na lamang ay kasama mo ang fiancé mo slash bodyguard. Nag-trending yata iyon dahil isa sa mga Brilliantes clan ang mapapangasawa mo. Alam mong kilala sila at mayaman ang kanilang angkan.”

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon