CHAPTER 64

6.8K 94 2
                                    

Chapter 64: Champion

TWO weeks lang naman ang naging practice ko to be honest. Kasi nga ay nag-focus ako sa mga trainee ko. Naging matunog din ang pangalan ko dahil under ko ang nanalo sa olympic competition. But now, I am not sure if I can win this competition. May pag-aalinlangan din ako.

Kung dati ay okay pa sa akin ang matalo pero ngayon ay hindi na rin puwede. Iba na rin kasi ang sitwasyon. Gusto ko rin bigyan ng leksyon ang babaeng iyon. Tsk.

Before the competition ay yumakap pa ako sa sources of strength ko. Hinalikan niya ang magkabilang cheek ko at pinagdikit ko ang aming noo. Hinalik-halikan ko pa ang munting labi niya.

“Gusto mo rin ba na bigyan kita ng goodluck kiss, Novy?” pilyong biro ni Wayne.

“Tse!” Inirapan ko siya at tumawa lang din siya sa huli.

Nag-warm up pa kami ni Kalezy. Si Coach Calym ang kalaban ko at siya naman ay si Ninang Avemn.

“Ready?” Tango lang ang naitugon ko at hinawakan ko nang mahigpit ang racket ko na tila may aagaw pa nito sa ’kin.

Before the competition ay naghawak-kamay pa kami Kalezy. Sobrang higpit na parang ayaw niya akong pakawalan. Isa pang gaga ito, psh.

“Goodluck to us, Novy.”

“Yeah, goodluck.”

“Anyway, okay lang siguro kung maging akin si Michael, right?” Heto na lumalabas na ang true color niya.

“And why are you asking me that, Kalezy? Nakuha mo naman na siya, right?” tanong ko. Gusto ko sana siyang pagsungitan pero hindi puwede. Ma-bash pa ako ng mga fans niya at iyon ang hindi dapat na mangyari. Sisikat ang kanyang ko as basher din.

“Because, you’re an ex.”

“Parang trigger ako sa inyo, that’s it? Let’s see kung makukuha mo nga nang tuluyan si Michael. Na isa pa ay may na anak kami,” sabi ko at pekeng ngumiti. Bumaon pa ang kuko niya sa likod ng palad ko. Nanggigigil na siya.

I don’t want to involve my son pero nakaiinis lang siya. Kung wala lang umawat sa amin ay baka nasa ganoong situation pa rin kaming dalawa. Malapad na ngumiti siya and I know fake rin iyon. Ha, akala niya ay siya lang ang marunong? Ako rin kaya.

“Go, Kalezy!”

“Win this competition!”

“We love you, Kalezy!” I rolled my eyes pero ang mga fans ko na ang nakatingin no’n sa akin.

“Go, go, go, Novy!”

“Novy, ilampaso mo na ’yan!”

“Baguhan lang siya at pabida-bida!”

Napangiwi ako dahil compare sa red team ay mas maingay nga sila at puro cheer up lang sila. Sa amin. Naku, ang toxic.

Pumito agad ang referee namin at nakahanda na rin ang lahat. Hindi ako ang unang titira ng bola. Si Kalezy.

Nang asintahin na niya ang racket niya ay roon ko na sinimulan obserbahan ang mga kilos niya pero masyado siyang maingat at napakapino ng bawat galaw niya.

“Red team got the 2 points, black is still in zero point!” Malamang kasisimula pa lang ng laro namin.

Nag-focus din ako sa pag-o-oberba ko sa kanya at nakalimutan ko na ang totoong laban namin. Natauhan lamang ako nang umabot na siya sa 39 points at ako ay 10 lang.

29 points na ang lamang niya! Hala... Kalahating puntos na siya. While me, wala nang pag-asa pa na matalo siya.

Pangiti-ngiti at pa-chill-chill lang si Kalezy. Higit na nagkagulo ang mga taong nanonood pero behave na lamang ang nasa team ko nang makita nila na mababa pa rin ang points ko at walang kasiguraduhan na makababawi pa ako. Eh, masyado na ring malayo ang kalaban ko.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon