CHAPTER 55

5.7K 78 1
                                    

Chapter 55: Their arrival

SI CLOUD lang ang wala sa mansion namin at hindi siya kasama sa dinner. Kasi nga ay may date siya kasama ang fiancé niya. Magkatabi kaming nakaupo ng baby ko at nasa tapat namin sina Mommy at Uncle Leonardo. Mom cooked for our favorite dinner as usual.

Inaasikaso ko si Lenoah. Marunong naman siyang kumain nang mag-isa at hindi siya makalat. Ingat na ingat din kasi siya kapag kumakain na. Kahit nga ang pagnguya niya ay sobrang bagal. Masagana siyang kumain at sinisigurado ni Mommy na may vegetables salad itong kinakain para mas maging healthy ang apo niya. Hindi naman ito mapili, kung ano man ang nakahain sa table ay iyon ang kakainin niya. Malakas din siyang kumain ng kanin na ikinatuwa ko.

But I want to give the best for my son. I won’t let him feel he’s missing something. So I often ask him what he wants. I always ask for his opinion. I don’t want him to be like me when I was just a kid, that there are things that I want that I can’t get right away.

I’d give it to Lenoah as much as I could. He is the love of my life and my source of encouragement and strength in the times of my downfall. I also have a lot of dreams for him and I prioritize his happiness, always and always.

“I heard from your tita na in-invite kayo sa birthday ng pinsan mo, Novy. Are you not coming, baby?” untag na tanong ni Mommy. Naikuwento na rin yata ni Tita Mommy sa aking ina ang tungkol sa birthday ng bunso niya. So, si Mom na rin mismo ang mangungumbinsi na pumunta ako.

“Pinag-iisipan ko pa ang tungkol diyan, Mom,” sagot ko.

“Nababahala ka pa ba na makita mo roon ang...” Tinapunan nang tingin ni Uncle Leonardo ang anak ko na busy sa food niya. Humahaba ang nguso nito na ikinangiti ko pa.

“Hindi naman po sa ganoon, Uncle. Naghahanda lamang po ako,” ani ko na tinanguan niya. Matinding paghahanda ang gagawin ko. Hindi naman ako nababahala na baka hindi niya tanggapin agad si Lenoah.

Kahit gaano pa kasakit ang magmahal ng isang Brilliantes ay kapag pamilya na nila ay hindi nila ito pinagkakaila. Tatanggapin pa rin nila ito dahil kadugo nila. Na isa itong Brilliantes.

“Naghahanap na rin si Lenoah ng kalinga ng isang ama, anak. Alam kong hindi ko gusto noong una pero four years na ang nakalipas. Matagal na at sa tingin ko ay pareho na kayong naka-move on. May balak ka pa ba na ipakilala siya sa pamilya ng kanyang ama, Novy?” tanong ni Mommy. Si Lenoah, kahit behave lang siya ay alam kong bukas ang kanyang tainga—what I mean is nakikinig siya sa usapan namin.

Ganito naman siya always. Observant at nakikiramdam lang din. Hindi siya sumasabat sa usapan ng matatanda. Kung may mga tanong siya ay hinihintay pa niya na kami na lang dalawa ang maiiwan.

Ang little boyfriend ko ay hindi rin alam ang salitang galit. Kung sabagay naman ay spoiled siya sa mga uncle and grandparents niya. Feeling ko nga na perpektong batang itong baby boy ko. Ibang-iba naman kasi siya sa mga batang nakasasalamuha niya sa labas. Understanding siya at pasensiyoso.

“That’s what I promise sa Mommy niya at binalak pa niya akong pigilan noon. Buo na rin naman ang desisyon ko and she need to respect my decision katulad nang ginawa ko sa anak niya, ” I said and referring to Tita Jina. Hindi ko nga pinigilan noon si Michael. Sinumbatan ko lamang siya. “Kilala na rin po siya nina Grandpa Don Brill at Kuya Markus. Hindi ko po siya puwedeng itago habang-buhay. He deserve po na makilala siya bilang isang Brilliantes.” Sinuklay ko ang buhok ng aking anak gamit ang mga daliri ko. Lumingon ito sa ’kin at malapad na ngumiti. “Pero malakas po sa puso ko ang little boyfriend ko, Mom. Nakiusap na rin po siya para ma-meet na niya ang pamilyang naghihintay sa kanya sa Philippines,” dagdag pang saad ko.

“I wanna meet Uncle Markus and Great Grandpa na, Mommy,” mahinang sambit niya na ikinangiti ko. See? Nakikinig talaga siya sa usapan namin.

“Kung ano ang gusto ng baby ko ay susundin ni Mommy. Lahat ng gusto niya ay wish granted na agad,” I said at pinagdikit ko lang ang noo naming dalawa. Inabot niya ang pisngi ko at hinaplos niya ito.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon