CHAPTER 9

5.3K 94 1
                                    

Chapter 9: Coach Novy

THAT night ay hiningi ni Engineer Michael ang phone number ko. Hindi naman ako nag-inarte pa at ibinigay ko rin sa kanya. Akala ko nga ay tatawag siya or may ma-r-receive akong text message from him but no.

Naghintay lang pala ako sa wala tapos in the next day ay nalaman ko na lang na bumalik na sila sa Philippines. Super ang nararamdaman kong inis. First time ko pa namang kiligin sa lalaking iyon tapos uuwi lang pala siya na hindi magpapaalam sa akin?! Ano’ng klaseng fiancé ba siya?!

God!

***

“Ninang, tinatanggap ko na po ang maging temporary coach. Hanggang kailan po ’yon?” tanong ko sa ninang ko at napahinto pa siya sa pag-inom niya ng tubig.

Bumalik na kami sa hotel after ng birthday ni Dad and currently kumakain kami ng breakfast dito sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin.

“Are you sure about that, Novy?” I nodded.

“Okay lang naman po sa inyo na magpaiwan ako here, Tita Mommy?” I asked my aunt. Siya naman ang napatango.

“Of course, sweetheart. But I can stay with you naman if matatagalan ka. Alam ko na ayaw mo talaga sa country na ito dahil nandito ang family ng Daddy mo,” aniya.

“No, Mom. Sabay-sabay na po kayong umuwi and I can handle myself po,” sabi ko at binalingan ko ulit ang ninang ko. “Ilang days po ba iyon, Ninang?”

“One or two weeks lang naman,” sagot niya.

“Sabihin ninyo na po ang friend mong coach. Count me in po,” ani ko.

***

Maingay sa gymnasium nang makarating kami ni Ninang Avemn. Maraming tennis players ang nagpa-practice at nakikita ko naman na dedicated silang lahat sa paglalaro nila. Iyon nga lang ay puro foreigner sila. Hayst.

Hindi ko masasabi na kung maganda ba ang panahon ngayon dahil maulap siya. Pero mukhang hindi namang magbabadya ang malakas na ulan.

“Hey, Avemn!” tawag ng isang matangkad na babae and base pa lamang sa suot niya ay alam ko na kung sino siya. Naka-black jogging pants siya and white sports bra with her navy green varsity jacket.

Patakbong lumapit siya sa amin at makikita sa looks niya ang happiness na makita ang ninang ko.

“Coach Daisy!” masaya ring tawag ni Ninang Avemn sa babae. Maganda rin ito at skinny rin ang body niya.

“How are you?” tanong ni Coach Daisy at nagyakapan pa sila bago humalik sa cheeks ng isa’t isa.

“I’m fine. How about you? How are you teaching your tennis players?” Ninang asked her.

“I can say that it’s good but just a little more practice so they can compete in the competition in the next two months. Tho, they are just beginners,” she answered and shrugged her shoulder.

“So I’m with my inaanak. Novy Marie,” aniya at napatingin na ito sa akin na may pagkamangha sa face niya.

“Hi, Novy. Nice to see you today. I often watch you at the Olympics games and you’re really amazing,” she said and because she’s a friend of my godmother I won’t be a snob now.

“Thank you very much but I know that I am not in the level of my coach,” I saw that my godmother laughed at. Totoo kasi na wala pa ako sa kalingkingan ng ninang ko. Mas mahusay pa rin siya sa larangan na ito.

“That’s not true, Coach Daisy. Looks like she’s better than me,” natatawang sabi niya at inakbayan pa niya ako.

“Anyway, thank you for accepting my invitation to be a coach of my tennis players even if it’s just temporary,” sambit naman niya na nginitian ko ng tipid.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon