From: Eron Smith
Mag update ka naman.Napanguso ako sa nabasa. Nag-send na ako ng process ko sa kanya kanina! Bakit niya ba ako minamadali!
I sighed and took a picture of his portrait. Hindi ko rin naman siya masisisi. Inuna ko kasi iyong si Mr. Dawson dahil nauna siyang magbook.
Pasalamat na rin ako at naiintindihan naman iyon ni Eron. He was patient. Pero ngayon sinisimulan ko na ay nagiging impatient na siya!
From: Eron Smith
Gwapo ko ba jan? Oo noh? Hays simple things.Napailing nalang ako nang mapansing nakangisi ako sa nabasa.
Umirap ako at pinindot na ang picture na ise-send ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong dalawa ang nasend at mukha ko pa iyong isa! Mas lalo akong nag-panic nang nagseen siya agad. Nag-react pa ng heart!
Agad ko iyong in-unsent at ini-send iyong process lang.
From: Eron Smith
Baka masakit na ang likod mo kakadrawing. Magpahinga ka muna, I'm not rushing it. Matulog ka ng maaga.That's it. He was rushing me lately tapos ngayon ay sasabihin niyang hindi niya ako minamadali?! Ang sarap niya ring batukan!
I smiled to myself and calmed my nerves to type a message.
To: Eron Smith
Sorry, napindot lang yung isa. I will finish your portrait tonight para maiabot ko na sa lunes.Mabilis siyang nagseen at agad namang nagtype.
From: Eron Smith
Ang ganda nga eKumunot ang noo ko at hindi naintindihan ang sinabi niya. Hindi na ako nagreply at agad nang nagpatuloy sa pagd-drawing.
Natapos ko iyon ng madaling araw. Tanghali na ako nagising kaya wala ng ulam nang bumangon ako.
I decided to treat myself to eat out because I did great these past months. Pumunta ako sa isang restaurant around Azuela at dumiretso na rin sa Coast pagkatapos.
"You like it here?" Napalingon ako sa nag-uusap na siguro'y mga japanese, isang babae at lalaki na tahimik sa unahan ko.
"I don't think I can live without you by my side, Eli. Ayokong maiwan ulit ng mag-isa. I will stay and study here." Napalingon ako sa babae.
Naka-side view ito sa banda ko at klaro ko ang inosente, mabait at magandang facial features nito. Her hair is wavy and her skin is pale white. Natural na mapula ang labi at pisngi. Simple ang damit pero napapalingon ang mga taong dumadaan.
I envy people who are able to have someone they can be romantic with at this age. Hindi ako makarelate sa sinabi niya. I find it corny pero sino ba naman ako para husgahan ang mga salita niya.
"Then stay. Ako na ang bahala kay tita at tito." Sagot ng lalaki.
Umalis ako at nagpakalayo-layo sa kanila. Ayoko namang makinig sa mga pinag-uusapan nila noh.
I just strolled around the coast at kumuha ng iilang litrato sa paligid. Hindi ko pa nasusubukang mag my day simula noong nagka cellphone ako kaya kukuha ako ng iilang photos para makapag post ako ng story mamaya.
Malamig ang ihip ng panghapong hangin. Malakas ito dahilan para sumayaw ng walang tigil ang damit ng mga taong narito. Umupo ako sa isang bench at tiningnan ang sapatos ko.
Medyo luma na ito pero napagsisilbihan pa naman ako. Gusto kong bumili ng bago sa online pero wala pa akong budget. Mag iipon pa ako pang enroll ko sa college kahit malayo pa iyon.
YOU ARE READING
HE Who Saw the Deep (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED REVISED STORY of He Who Saw the Deep Eryna Chryses a hypocritical woman - overlooking the world of monochrome, promises herself to be free and fine someday. Until she met Eron Smith. A cheerful and perceptive young boy who witnessed her sa...