I was so focused on doing my thesis paper when Kurt collapsed at my back that I didn't have time to process what happened.Akala ko ay pinaprank na naman ako pero nang may kung anong kaba ang lumatay sa dugo ko, mabilis ko siyang tinungo at niyugyog para gisingin.
When he wouldn't wake up. Doon na ako mas kinabahan lalo na nang makita ang maputla niyang labi at naninilaw na balat.
Wala akong malapitan. Wala si mama. Walang tao sa bahay kundi kaming dalawa lang. I was shaking when I saw blood on his forehead, tumama yata sa lamesa.
Humingos ako at tumakbo palabas. Humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nakatambay sa labas. Binuhat siya ng mga tambay na pumasok sa bahay.
"Paki-ingatan po," I was trembling.
Nakatsenelas at tanging wallet lang ang nadala. I forgot to even bring my phone. Saka na iyon kapag napanatag na akong maayos lang ang kapatid ko.
Isinakay namin sa tricycle si Kurt papuntang kanto. Saka ako pumara ng taxi at sumakay doon, inihiga ko siya sa hita ko, tinatapik-tapik ang pisngi pero ayaw gumising.
I bit my lips when I felt like he's slipping away any moment given. Nagsimula nang tumulo ang luha ko, ang dumudugo niyang noo ay marahan kong pinaypayan at pinunasan ang bawat gilid.
"K-kuya, pwede pong pakibilisan. . ." I don't even know if we'll be entertained in the public hospital without money kaya dinala ko si Kurt sa private, iyong hospital na minsan kong binisita si Eron.
I know. I know it sounds dumb but I have hopes that we'll be able to enter there, tatawagan ko naman si mama. Nang nakababa ay halos walang pumansin sa amin, tinulungan pa ako ng driver ng taxi na akayin ang kapatid para mapahiga sa emegency bed ng hospital.
"What the fuck, Eryna?!" Ang malutong na mura ni Elijah ang bumungad sa akin sa lobby ng hospital.
Pawisan siya at mukhang problemado. Nang makita ako'y mas lalo lang lumala. He rushed towards us, inagaw niya sa akin si Kurt at binuhat gamit ang dalawang kamay, bridal style.
His jaw clenched. "Miss, assist us. Pakitahi ng sugat ng kapatid ko," Sabi niya sa nurse na dadaan lang sana pero nang masabihan siya'y mabilis na sinunod ang utos at mukhang nagtawag ng doctor.
Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa isang private room. I was following him, almost running dahil sa lakad niya. Kapansin-pansin ang mabilis niyang hininga, hindi halos mapakali.
When we arrived at the room. He carefully laid Kurt on the bed. May mga nurses na na pumasok at isang doktor. Namewang ang isang kamay ni Eli at ang isa ay napasapo sa noo. He breathed out.
"Anong nangyari?" He asked, calmer now.
Halos umiiyak na ako sa harap niya dahil wala rin akong alam. "H-hindi ko alam. . . bumagsak nalang siya bigla tapos—" Umiling-iling ako.
He nodded and went to me. Mabilis niya akong hinigit at niyakap. "It'll be fine."
"Good thing you rushed at the hospital." He brushed my back gently. "Good job."
Ni hindi ko siya matanong kung anong ginagawa niya sa hospital. Pareho kaming kinausap ng doctor, he said they'd run tests on him. Natahi na ang sugat.
We waited for the test results. Hiniram ko muna ang phone niya para tawagan si mama. When I dialed her number, she did not answer.
I clenched my fist. Kahit ngayon lang naman, sagutin niya na muna ang tawag ko. Pwedeng huwag na muna niyang pagtuonan ng atensiyon ang alaga niya, si Kurt muna. Kami muna.
YOU ARE READING
HE Who Saw the Deep (COMPLETED)
عاطفيةCOMPLETED REVISED STORY of He Who Saw the Deep Eryna Chryses a hypocritical woman - overlooking the world of monochrome, promises herself to be free and fine someday. Until she met Eron Smith. A cheerful and perceptive young boy who witnessed her sa...