Chapter 24

170 6 0
                                    


"Binisita kita, hija!" Si lola nang walang pasabing pumunta sa bahay kasama si Tita at tito.

She smiled but it seemed fake to me. Pinatuloy ko sila, Eron welcomed them too as he stayed on my side. Nagmano rin siya gaya ng ginawa ko.

"Naku! Akala ko buntis ka na at mukhang hindi ka na lumalabas at nagm-my day ng mukha mo!" Plastik na tawa ni tita.

I almost rolled my eyes at her. Kung hindi ko lang inalala na narito si Eron. If she doesn't respect me, she gets what she gives. Hindi naman ako rumerespeto dahil lang sa edad. I respect because they gained it.

I really have a thing between this pregnancy scare kahit na hindi naman ako malanding babae na may boyfriend, I am responsible and so does he. Natatakot kasi akong baka tama silang susunod lang din ako sa yapak ng mga magulang ko.

"Bakit? Hindi ka ba buntis?" Si lola at sinipat ang tiyan. This shouldn't be their concern right now. Ni hindi man lang natanong kung maayos na ba ako pagkatapos ng lahat.

I thought people disappear from my life. They don't. They will appear on random days without you even knowing. They show up only to make you feel so small again after trying so hard to forget them.

Kasi akala ko, nakapagpatawad na ako. Akala ko napatawad ko na sila sa mga masasakit nilang salita sa akin dahil lang hindi ko na sila nakikita. Akala ko lang pala, natutunan ko lang palang kalimutan. I haven't forgive yet, I just learned to forget. . . and now I remembered.

When they showed up with all this toxicity, the nostalgia of my buried pain lingered on every senses in me. I cannot ignore the surge between me as I listen to everything that they are saying.

"Buti at nakagraduate ka? Siyempre suguraduhin mo talagang gumraduate. Napabayaan mo nga ang kapatid mo dahil sa pag-aaral at pagbo-boyfriend." Lola added that made me clench my fist.

This is what I'm very ashamed of. This is the chaotic part of my life, I couldn't fathom to be proud of.

"Kumusta ang trabaho mo?" Si tito nang naupo sila.

I paused at his question. What is it to him? "Kapag nakasweldo ka na, pwedeng magpadala ka ng pang-tuition ni Mariam. Pinag-aral ko na, mukhang walang pangarap sa buhay eh. Maganda naman iyong may propesyonal tayo sa pamilya." Aniya na halos ikalaglag ng panga ko.

Is she my responsibility? Iyon ba ang ipinunta nila? I scoffed inwardly, pagkatapos ng lahat. Ang mga ugali hindi pa rin nagbabago, mas lumala lang yata. They are my family pero sa inaasta nila, nahihiya ako at dismayado akong angkining pamilya ko sila.

Eron was about to say something when lola called him. "Bilhan mo nga kami ng meryenda sa kanto, hijo." Utos niya na agad kong inangalan. He's not gonna suffer the same pain I suffered under your mouths and mean treatments. Hinawakan ko ang braso ni Eron at tiningala siya.

"Huwag na, ako na po. Babalik agad ako." Eron shook his head in opposition.

"Ako na, magpahinga ka muna. Ang init sa labas." Bulong niya sa akin, I saw my family's eyes not leaving our frame like leeches.

Wala akong nagawa nang sundin niya ang utos. Inabutan ko lang siya ng payong bago siya tuluyang lumabas para bumili ng pagkain.

"Akala ko hindi ka tutulad sa nanay mo, Eryna?" Pasiuna ni tita, I arched my brow.

"Mukhang selfish ka rin, ni hindi mo magawang bisitahin ang lola mo sa bahay pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa niya sainyong magkapatid." Patuloy niya.

"Pero magkano ba talaga ang sweldo mo at nang makapag-usap na tayo? " Si tito na ikinalaki ng mata ko. Nagulat ako sa tamong niya, pinilit niya pa talagang ipagsiksikan ang topic na iyan.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now