Chapter 2

280 9 0
                                    


"Tara MTS! " Aya ng isa sa mga kaklase ko

Kakatapos lang ng klase namin kaya nagkayayaan sila. I have no close friends. I find it difficult to interact and talk to others.

Nagsilabasan na sila kaya gaya ng nakaugalian ay nagpaiwan ulit ako sa silid para magbasa. Tahimik at malamig ang air condition, para akong karneng pinasok sa loob ng ref.

I read self-help books. It comforts me.

Parang sumabog ang puso ko sa kaba nang biglang may kumalabog sa pintuan at malakas na bumukas at sumara iyon!

Nakanganga akong napagawi roon at nakita ang pamilyar na lalaki. That attractive boy on the supplies store.

Nagtagpo agad ang mga mata naming dalawa, hingal na hingal siya na para bang hinahabol ng kung sino.

He put his index finger to his lips and closed his eyes. Sinasabing huwag akong maingay. He looked.. hot on that posture with his sweaty face.

Nakita ko ang nagtatakbuhang mga lalaki sa labas ng narrow lite door ng silid, mukhang siya ang hanap.

Ano? Membro siya ng frat?

"Hi! Ikaw ulit! " Hingal niyang bati kasabay ang pagngisi.

Kumunot ang noo ko. "Huwag ka maingay, naghahabulan kami. " Tumawa siya at pinahid ang pawisang noo gamit ang siko. Napailing nalang ako at nagkibit-balikat.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at hinayaan nalang siya. Isip bata, ga-graduate na nga ganyan parin ugali.

Sinulyapan ko siya at nakitang pasilip-silip siya sa glass ng door.

"Ano, wala na ba? " Singit ko dahilan para lingunin niya ako. I can't wait for him out of here.

Ngumisi siya at tumango. "Nakakapagod na, exit na ako sa laro. " Tumawa siya.

"Are you on a frat? " Diretsahan kong tanong

Tumaas ang gilid ng labi niya, looking amused. "Hindi ah, grabe ka miss." Umakto pa siyang nasasaktan.

Tumango ako at nagpatuloy ulit sa pagbabasa.

"Seryoso mo noh, " Aniya, namewang at agad na naglakad palapit sa inuupuan ko.

"Hindi ko nga pala alam pangalan mo. What's your name by the way? " He asked formally and stood in front of me.

"Eryna." Tipid kong sagot at bumalik sa pagbabasa.

"Ganda, " Mahinang sabi niya kaya ako napataas ng tingin sa kanya.

"Ng pangalan mo, hehe. " Dugtong niya nang nakita ang seryoso kong mukha na agad na ikinangiti ko naman.

"Maganda rin ako. " Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Mapaglaro siyang ngumisi at dahan-dahang tumango.

"Maganda nga, " Parang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Malanding lalaking 'to! Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa at hindi na siya pinansin.

"Ihh kinilig, " tukso niya, umirap ako.

"Kapal ng mukha mong bata ka, hindi ako kinikilig sa pangit, " Sagot ko at sinara ang libro, ang kapal naman talaga eh noh.

Humalakhak siya. "Defensive ah!" He smirked, showing interest at what he heard.

Inirapan ko siya. "First and foremost, I am not a child, grade 11 na ako miss. Second, I'm not pangit. " He spat and crossed his arms, trying to suppress his mischievous smile.

Nagtaas siya ng kilay at kinagat ang pang-ibabang labi upang matago ang sumisilay na ngiti. Gwapo naman talaga siya, sinabi ko lang 'yun para manahimik siya.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now