Chapter 18

191 7 0
                                    

"Being an architect , class, I must say... It's very fulfilling, ngayon, sinasabi ko sa inyo. Mag-aral kayo, oo, mag-aral kayo ng mabuti, do your plates the second it is given to you. Time management, 'yan ang sasalba sa inyo, so practice it." Isa sa professor namin na pinakapaborito ko, habang nagle-lecture kami. Architect Darius in his usual departmental shirt.

Not because of his words of wisdom but also because he really teaches us. Sa lahat yata ng subject namin, sa kanya lang ako hindi nakakatulog dahil sa hatak niya sa mga estudyante. He explains well.

"Mahirap naman talaga, there's no easy road to success pero kapag tumuntong kayo sa tuktok? You'll eventually tell yourself how good it must feel. Kasi hindi naman lahat sa inyo makakagraduate on time, I tell you, may ibang titigil at may ibang mags-shift. This is not a discouragement but a reminder that the course you have chosen is really tough. Kaya siguraduhin niyong gustong gusto niyo ang pinasok niyo, at the end of the day, it's either you suffer or celebrate."

Ganyan 'yan siya, may pa introduction bago magstart sa actual lesson. In which, I like hearing about. Nakukuwento niya ang pagpunta niya ng iilang bansa na pinapaplates sa kanila noon, at ang galing lang dahil lahat ng itinuturo niya ay sobrang kabisado niya na dahil napupuntahan niya ang mga lugar na naituturo. Gusto ko ring tumulad sa kanya.

I want to become an Architect. Architect Eryna Llanelli Chryses. It sounds so good in the ears.

Alam kong mahirap at kinakabahan ako sa kung ano man ang paparating pero one thing I am sure about is that I will not stop on dreaming. Makukuha ko rin ang pangarap.

"You have plates to do?" Bungad ni Eron sa lobby ng building namin nang lumabas kaming magkasabay ni Rang sa elevator.

I was holding a lot of things. From my bag, canister tube, and T-square. Kakalabas ko lang ng phone para sana i-text si Eron pero nandito na pala siya.

"Mauna na ako, Eryna. I'll ask about the design later tonight." Paalam ni Rang sa tabi ko na agad kong kinawayan para makapagpaalam.

"Yeah, I have. You don't?" Sagot ko sa tanong ni Eron.

Mabilis siyang lumapit sa akin at pasimpleng inagaw ang mga dala ko, ni wala na akong bitbit dahil sa pagkuha niya pati sa bag ko.

"I also have. Kailan deadline niyan? Bukas?" Tanong niya bago hinawakan ang siko ko para magsimula nang maglakad.

Nilabas ko ang lip balm na bigay niya galing bulsa at naglapat sa lips habang nakikinig sa kanya. I glanced at him when he looked at me, stifling a smile.

"Next day. Gagawin ko lang in advance. Sa'yo?" Bahagya akong tumingala sa kanya. We started walking to the mini forest.

I've been noticing his height lately. Masyado siyang tumangkad at napapansin ko na ang pangangalay ng leeg kapag kinakausap siya ng ganito ang ayos namin.

"Tinapos ko kanina sa studio while waiting for you."  He smiled and looked down on me.

" How's my future engineer's day?" I asked all smiles.

"Very fine now that I've seen you." He pulled me in and hugged me.

Ang bango niya talaga, kahit ilang beses kaming magyakapan hindi ko parin ma absorb ang bango niya. I always wanted to smell it.

"Tumatangkad ka," Puna ko na tinaasan niya lang ng kilay.

"Hmmm?"

"You're getting taller I said, look at our height difference!" I exclaimed and faced him more. Bahagya ko siyang tinulak para tingnan ang mukha.

Ngumisi siya. He scoffed and held my wrist for me to follow him on the tables under the trees. Binaba niya ang mga gamit sa mesa at naupo kaming dalawa.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now