"Gusto mong sumama sa akin?" Tanong ko kay Eron nang lumabas kami sa lobby ng building.
Dala-dala niya ang mga gamit ko kahit na may dala rin siya. He even insist on holding my hand kahit na medyo mahirap na para sa kanya.
"Ako na nga magdadala niyan!" Agaw ko sa laptop na mabilis niya namang napigilan.
"Buong araw mo 'tong bitbit, ako na." Mahinahon niyang suway sa akin, wala akong nagawa kundi hayaan siya.
"Saan ka ba pupunta ngayon?" Sagot niya sa kaninang tanong ko, nakatingin sa unahan.
Patungo na kami sa parking at pauwi na rin. Uuwi kasi ako ng maaga dahil nagluto raw sa bahay si mama. I think that it's the right time to introduce Eron to her.
I texted her lately if it's okay to bring someone. She agreed kaya naisip kong mabuti na ipakilala ang kasintahan ngayon.
Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon niya dahil hindi ko naman saulo ang personality niya tungkol sa mga ganitong bagay.
If introducing Eron, maybe it'll shock her.
"Sa bahay, nandoon si mama. Ipapakilala kita, kung handa ka na." He looked at me now, bahagyang natigil sa paglalakad.
Bahagya niyang inamoy ang sarili at inayos ang maayos na buhok. He lightly wetted his lips and smiled a little at me. "Mentally, yes. Pero I'm not dressed well yet, ayaw kong ma-disappoint si tita sa akin." Ngumuso siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Naiiling akong ngumiti. Nakasuot siya ng grey na hoodie at isang itim na sapatos.
"You're good looking kahit na hindi ka mag-ayos. Magpajamas ka pa sa harap ko, eh."
He chuckled at what he heard. He slightly pinched my narrow-pointed nose which made me scrunch my nose.
"Pero pwedeng magbihis muna ako ng mas maayos na damit? I'll stop by the house. O, mauna ka na since you wanna go home early, susunod nalang ako." Wika niya na tinanguan ko naman.
Mabuti ring mauna ako sa bahay at masabihan ko muna si mama sa plano ko. Ayaw ko rin namang mashock siya dahil bigla akong nagdala ng boyfriend. At least with a warn she can get herself ready.
Sumang-ayon ako sa sinabi niya. He drove me home first. Nag-insist pa na ihatid ako sa pinto ng bahay pero sabi ko sa kanto nalang. He should be ready later.
Eron:
I'll text you when I'm otw. Babalik ako before 6. I love you.
Hindi na ako nagkaroon ng panahon na replyan siya nang makapasok ako sa bahay at makita kung gaano karaming putahe ang nakahanda sa lamesa.
Ni hindi ko alam kung saan galing itong isang lamesa sa gilid na pinaglagyan ng iilang pagkaing panghimagas dahil iisa lang naman ang lamesa rito sa bahay. Ano bang meron?
I slowly went to mama in the kitchen when I heard her just hang up on her phone as she checked on the food she is currently cooking. May kausap at kakatapos lang kaya napalingon sa akin.
I blessed. "Oh, akala ko ba magdadala ka ng kasama?" She even looked behind me to confirm if I'm with someone pero ibinalik ang tingin sa akin nang makitang wala.
Namewang niyang tinikman ang putaheng niluluto. Nakatuon ang atensiyon sa akin, naghihintay ng sasabihin.
"Mamaya ma, pupunta po ang boyfriend ko. Ipapakilala ko." Sabi ko, napaso siya sa dila dahil sa init ng kinakain at marahas akong nilingon.
"May boyfriend ka na?" Ngumisi siya at inayos ang apron na suot.
Tumango ako at maliit na ngumiti. "Naku ang bata mo pa! Pero hindi naman kita pipigilan at baka magrebelde ka pa!" Maligaya niyang sabi na tinanguan ko.
YOU ARE READING
HE Who Saw the Deep (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED REVISED STORY of He Who Saw the Deep Eryna Chryses a hypocritical woman - overlooking the world of monochrome, promises herself to be free and fine someday. Until she met Eron Smith. A cheerful and perceptive young boy who witnessed her sa...