Chapter 32

203 7 0
                                    

I dozed off seeing Eron with a scowl on his face. I woke up seeing him sleeping on the couch on the side of my bed.

He looked so uncomfortable. Naka-ekis ang mga braso at naka-dekuwatro. Nakatingalamg nakapikit ang mga mata.

He looked undeniably hot. . . like a future potential misstep.

Pinilig ko ang ulo. Kailangan ko nang umalis bago pa siya magising.

I tried as hard as possible to make no sound when I got off the bed. Inabot ko ang bag sa side table at tahimik na tumayo.

I was about to walk out when I realized that maybe he brought me here because I collapsed. . . so he paid for the bill. Is 3k enough? Check up lang naman siguro 'yon?

I shut my eyes tightly and shook my head. Ano ba namang buhay ito! Nakakahiya ka na Eryna! Naalala ko tuloy iyong pagsuka sa mga palad niya! Ni hindi ko nakitaan ng pandidiri ang mukha niya kanina kahit hilong-hilo na ako.

Kinuha ko ang wallet sa bag at binuksan iyon para kumuha ng pera. My gosh, wala pala akong swiss franc's at dolyar ang dala ko. Goodness! Meron akong peso pero bente lang, for design!

I got a hundred dollars and slid it on the mini table in front of the couch Eron is sleeping.

Kampante akong umalis at inayos ang sarili. Pinihit ko ang door knob nang magulat sa biglang nagsalitang si Eron.

"Leaving like having a stand?" Nilingon ko siya, kinakabahan at. . . nahihiya.

Mabilis siyang nakatayo at umambang lalapitan ako pero natigil dahil sa nakitang papel sa maliit na mesa. He scowled and now. . . very annoyed.

I pursed my lips and acted like a normal person would do, not that I'm not normal, eh, kasi! My heart is abnormally skipping a beat when he portrays a face like that! Parang nagagalit na. . . boyfriend!

"Uuwi na ako," I scratched my nape and put it down in an instant. "Salamat." mabilis akong tumalikod.

"Get back here, get the money. I don't want it." He said coldly kaya hindi ko na naman maiwasang matigilan at lingunin siya pabalik.

"Sa'yo na, pwedeng ibayad nalang sa bill." Suhestiyon ko na mas ikinainis niya.

Ngayon mabilis na nagtungo sa akin. Kumurap lang ako nahawakan niya na ang kamay ko at nalapag ang pera doon.

Malamig ang ibinigay niyang titig sa akin. "I said I don't wanna take the money."

"Token of gratitude lang—"

"I don't want it. Marami ako niyan." Edi wow? Ikaw na pala, eh!

Kung ayaw niya ng pera ano ang gusto niya?

"Eh, anong gusto mo?" Tunog nanghahamon kong tanong.

He stared at me for a moment. As if he was thinking so deep that he blinked twice to get himself together.

"Is money your way of thanking now?" May sarkasmong nagbakas sa tinig niya.

Nagpapasalamat lang naman ako dahil sa pagligtas niya sa akin sa kung sino mang manyak na 'yon tapos paiiralin niya pa ang napakatayog niyang pride na 'yan!

Natahimik ako sa sinabi niya walang naisagot. My blood is boiling. Pareho kaming kakagising lang at talagang kung galit o naiinis man siya ngayon, mas napipikon ako sa kanya!

His eyes softened the moment that passed I didn't talk. He licked his lips and pursed it. He sighed.

I looked at him so done. "Eh, anong gusto mo? Maybe a kiss?" I mocked. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi iyon at kung saan ko nahugot ang ideya. Masyado na talagang makapal ang mukha ko!

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now