Chapter 38

175 6 0
                                    


"Ang ganda, Miz." Nakatingala ako sa painting na ipinangako niya sa akin.

Inaayos iyon ni Brayan at Eron, sa sobrang laki, nahirapan talaga silang dalawa at kinailangan pang magpatulong sa isang staff na naghatid ng order naming lunch.

"Syempre, para sa'yo iyan!" Proud niyang sabi habang nakayakap sa akin.

Nkamasid lang kami sa dalawang lalaking nahihirapang iangat ang napakalaking painting ng kaibigan.

"Brayam, ayusin mo, masisira." I saw Brayan gulped and nodded.

Her works are just mesmerizing. Iyong shades of deep blues tapos ay may white curves and gold highlights. Painting siya. It's a three pair of canvas hanged together. Like those nordic wall abstract paintings of blues and golds online.

Kumain kami pagkatapos. "Grabe napagod ako sa pag-ayos ng painting, kailangan ko yata ng kiss." Parinig ni Eron pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain, ang dalawang kaibigan ay tinawanan siya.

"Ery--" 

"Tumigil ka, kumain ka diyan. . ." sinamaan ko siya ng tingin kaya natatawa siyang umiling sa akin at sinimangutan ako.

"Grabe, damot." bulong-bulong niyang narinig ko parin.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko paabot noong ulam, please." ngumisi siya sa akin. "Mukhang masarap, eh." nginuso niya ang ulam hindi kalayuan sa akin.

Kinuha ko iyon at nilagyan ang plato niya. I saw he stifled his smile and bit his lips as if he's on cloud nine. 

If he's not doing his rehab, we'd go outside for a date. Minsan sinosorpresa niya ako ng dinner date sa penthouse, and it feels so romantic, para ulit kaming high schoolers. Kadalasan ay sobrang random ng mga regalo niya sa akin. 

"Ano 'to?"

"Diary, sulat mo lahat ng feelings mo diyan tapos babasahin ko." Ngumisi siya.

"Nag-diary pa ako!"

"Gusto kong malaman, eh. Bakit ba?" Sarkastiko niyang sabi na ikinataas ng kilay ko.

"Sabihin ko nalang ng diretso sa'yo. . . you're my human diary." 

Napangiti siya. Mukhang hindi niya naisip iyon kaya binawi niya ang notebook. "Ge,"

I barked out in laughter. "Akin na! Magsusulat ako, basahin mo nalang!" Natatawa kong sabi dahil inilayo niya sa akin ang notebook.

"Magsusulat ako, promise. Ipapabasa ko agad sa'yo." I even held my hand to prove a promise.

Pinaningkitan niya ako ng mata pero kalaunan ay binigay naman sa akin ang notebook, inabutan pa ako ng ballpen, wala naman iyon kanina, hindi ko alam saan niya kinuha. Natatawa akong nagsulat, hindi niya nakita iyon kaya minabuti kong isulat ang gusto kong sabihin.

"oh," abot ko sa kanya ng notebook.

Nakangiti niyang tinanggap iyon pero nang mabasa ang nakasulat ay nawala ang ngiti. Tumawa ako, what's with that reaction?

"What?" I arched a brow.

Seryoso niya akong tiningnan. "Ano bang nakasulat? Basahin mo, nakalimutan ko, eh." Slowly, his smile plastered on his lips as he looked down on the notebook.

"My boyfriend is very patient with me. . . and I thanked God for giving me the second chance to have him back in my life." he softly said and then faced me with weary eyes, naiiyak siya. Mas lumapad ang ngisi ko.

"I am your boyfriend now?" ngumiti siya at tinabi ang notebook. Umusog sa kinauupuan ko sa dulo ng sofa at mabilis na hinawakan ang aking mga kamay.

Aatras sana ako kaso nakasandal na ako sa armrest. Mabilis niya akong nayakap kahit na hindi paman ako nakakatango.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now