Chapter 27

189 6 4
                                    

When the interview ended, nagkaroon kami ng pagkakataon ni Johann na mag-usap. Inalalayan niya akong makababa sa isang hakbang lang naman na rise ng studio nila.

"Thank you, " Sabi ko nang hinarap siya.

Marami pa ang nagpapicture sa akin kaya naaantala ang pag-uusap naming dalawa. The staff and bosses are congratulating me and even talked about potential projects with me a bit. He stepped aside and listened, minsan nakikisali kapag tinatanong ng mga katrabaho.

Unti-unti ay wala na ako masyadong kausap at naghanda na para umuwi. I want to eat dinner, my stomach wants good food.

I was busy looking for my phone in the bag when Johann talked behind me. Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Dinner?" It was more likely a sentence.

"I'll treat you," Ngumisi siya. "Better. . ." Dagdag niya na hindi ko narinig.

I arched a brow. Natatawa siyang umiling. "If you may, I'll treat you to dinner." Mas malinaw niyang sabi ngayon.

Maliit akong natawa. "Tara," Sang-ayon ko na mabilis na mas ikinalapad ng ngiti niya.
Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang parking. Tahimik kaming dalawa hanggang lumabas ng elevator. Nilingin niya ako.

"Uhm, my car's over there." He motioned his head kaya napalingon ako sa itinuro niya.

I nodded. "I'll follow you, I brought my car." Hindi ko pa natuturo kung nasaan ang sasakyan ko ay pumarada na agad iyon sa harap ko.

"Damn. . ." His mouth turned into an 'o' as he looked at my black car.

"Aston Martin," Nilingon niya ako. "Hindi ko lang naisip na . . ." He prolonged but ended up shrugging.

He bit his lips. "Very independent," Natatawa niyang sabi.

Sa totoo lang napapansin ko siya noon. Matipuno, moreno, at malakas ang charisma. When he smiles, he has this aura that draws you in to stare more but I don't really mind him because he's not my type then. Ngayong tinitigan ko siya, he looked manly and mature.

"Already hungry?" He asked as he looked at his wristwatch.

"Gutom na ako, lead the way." Sabi ko na mabilis niyang tinanguan.

His car is a Chevrolet Camaro, matte black at may personalized designs. Nang lumiko iyon at dinaanan ang exit, sumunod ako sa kanya. I followed his back until we reached a fancy restaurant. Wala masyadong tao, kung meron man tigdalawahan lang.

"Happy valentines po, Ma'am and Sir!" I flinched a little, shock at the waitress' greetings.

I was confused and when I looked at Johann, he looked even more puzzled than me. I laughed the awkwardness kahit na hindi naman ako nailang.

"We're not—" I was cut off when, sinulyapan ko ang nameplate niya, when Matilda put a fancy plate with a fancy food, designed with gold calligraphy that states Happy Valentines.

"Free for couples who dined in po, enjoy!" Aniya at iniwanan kami.

Napasapo sa noo si Johann. "I'm really sorry. . . hindi ko alam," He was turning pinkish on the cheeks kaya natawa ako sa itsura niya, I leaned back on my chair and watched him get shy and embarrassed.

Nang nagtaas ng tingin sa akin ay natigil siya nang makitang nangingiti ako. "That's fine, hindi ko rin alam na Valentine's day pala ngayon. Masyado na yata akong abala sa buhay at nakakalimutan ko na ang mga ganyan." I chuckled, he relaxed and nodded.

"Pasensya na, hindi ko rin alam na Valentines pala ngayon. Kung alam ko lang sana sa susunod nalang kita inaya," He shook his head and sighed.

Natawa ako. "Should I leave then?" Napatingin siya sa akin. Natulala. "Para sa susunod nalang?"  Ngumisi ako.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now