Chapter 4

237 8 0
                                    

Kumakain ako ng banana cue sa overpass habang iniuubos ang pagkain ko. Alas kuwatro na nang i dismiss kami at hindi na ako nakapag-lunch kanina kasi hindi ako nakapagbaon at medyo hindi ko pa nababawi ang ipon para bumili ng toppings.

Wala naman akong balak bumili kaso nanginginig na talaga ako kaya napilitan akong kumain ng banana cue dahil ito lang naman ang afford ko sa ngayon.

Lunes kaya masyadong maraming estudyante. Talagang gagabihin ako nito pauwi. Inayos ko ang backpack dahil sumasakit na naman ang likod ko.

I sighed.

"Thank you for this peaceful day," I whispered to myself.

"Why? Hasn't your days been peaceful lately?" Muntik ko nang tusukin ng barbeque stick ang nagsalita, si Eron iyon.

Napatitig ako sa kanya nang makitang bagong gupit siya. Mukhang nagmamadali siya dahil pawisan ang noo.

Umaliwalas ang mukha niya at mas naging pormal tingnan. Nakauniporme siya ngayon at walang dalang backpack.

Ngumisi siya. "Chill out. Masyado kang magulatin."

Inirapan ko siya. "Oo, kasi sulpot ka nang sulpot." Sagot ko sa tanong niya.

He languidly handed me a book like he doesn't care what it was. Kuryuso akong napatingin doon dahil pinilit niyang ilagay iyon sa kamay ko.

A novel? Lumiwanag ang mukha ko nang makita ang title ng libro. This is one of my favorite author's work.

"Woah?! Nagbabasa ka ng novels niya?!" Masaya kong tanong, I was amazed that he knows this author. I mean hindi ko in-expect na nagbabasa rin pala siya.

"Nope. Just that one. Nakita ko lang sa study ko and nabored ako sa bahay kaya binasa ko. Nasulatan ko rin 'yan just don't mind them, it looks old now." He shrugged and looked away

Napangiti ako. Looks old eh mukha ngang kakatanggal lang ng cover nito. Hindi rin cracked ang spine ng libro at hindi halata ang marks ng mga sinulat niya.

"Talaga? Pahiram muna ako kung pwede?" Maingat kong tanong

"That's yours now. Keep it." He looked at me.

I was taken aback. Wala akong books na novels dahil sobrang mahal ng prices at kung may pambili man ay mas pinipili ko iyong knowledgeable books.

"No way you're giving this book to me, I'll give it back." I said as I flipped through the pages. Ang ganda ng sulat kamay niya.

"So stubborn," Bulong bulong niyang hindi ko marinig dahil sa ingay ng mga dumadaang sasakyan.

"Thank you, isasauli ko sa'yo pagkatapos. Uuna na ako, " Sabi ko bago umakyat ng tuluyan sa overpass para makasakay sa kabilang parte ng kalsada.

"I'm going that way too." He chuckled and went the same direction as me.

Sabay kaming napatawa nang napagtantong pareho pala kaming sasakay sa kabila. Hindi ko tuloy maiwasang magbasa habang naglalakad.

"Later na 'yan sa bahay. Watch your steps," He spat and guided me by holding my elbow lightly.

Sobrang raming studyante kaya kailangan ko pang makipagsiksikan ngayon.

"Anong sasakyan mo?" He asked

"Magallanes." Tipid kong sagot at pumara ng jeep.

He pursed his lips as if refraining himself to talk about something.

"Uuna na ako." Ngumiti ako sa kanya at sumakay na sa jeep.

Binuksan ko agad ang libro at nagsimula nang magbasa. Marami pang sumasakay kaya umuusog-usog ako habang nakafocus sa binabasa.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now