Chapter 39

191 8 0
                                    

Maaga akong gumising kinaumagahan. I took a bath and drove all the way from the city to the province. Hindi na ako nag-abalang magbihis pa ng magarang damit dahil pamilya ko naman ang uuwian ko.

I just wore a simple white spaghetti fitted top and a cream white shorts, nakabelt ako ng brown at may nakasablay na cardigan sa aking balikat.

Inayos ko ang shades na suot. All these years, I have been able to manage not wearing glasses, minsan kapag nagbababad ako sa computer.

Lumipat ng probinsya si mama simula noong umalis ako ng Pilipinas. They know I will visit kaya ang iilang kamag-anak ay nagsiuwian na rin doon para sa maliit na pagtitipon.

Ilang oras din ang byahe papunta doon kaya nang makarating sa lungsod ay nakahinga ako ng maluwag. Namili na ako ng grocery bago tumulak kaya dumiretso na ako sa mismong lugar namin dito sa probinsya.

Binaba ko ang salamin ng kotse at pinatay ang aircon. Ang lamig ng simoy ng hangin, hindi ko ito nararanasan sa siyudad.

Binagalan ko ang pagpapatakbo nang nasa straight na daan na ako. Ang mga punong nakapalibot ay simpleng dumuduyan sa hampas ng marahas na hangin. Tahimik ang kalsada kaya nang may motor na dumaan ay nakuha pa noong ma-overtake sa sasakyan ko.

Tinaas ko ang suot na shades sa ulo at dinungaw ang labas ng bintana. Nagulat ako at binagalan ang pagpapatakbo nang may bumusina sa likod ko. It was a single motorcycle driven by a girl who seemed very familiar to me. May tatlong angkas siya, shet pwede ba iyan? Nagtatawanan sila at maraming dalang supot at karton ng siguro'y mga pinamili nila.

I glanced at my side mirror only to figure they are driving side by side with me now. Nagulat ako nang makita si Mariam, siya ang nagmamaneho. Nang makita ako ay nagulat din siya.

Mabilis siyang napanapa-brake kaya lahat sila ay sumubsob sa unahan. Nagulat din ako dahil natumba sila kaya hininto ko ang sasakyan sa tabi.

They were still laughing despite what happened.

"Tangina, si Eryna andito na pala!"

"Ha? Ano ate?" Natatawang si Aira sa likod habang inaayos ang sarili.

They were much concern about their goods kesa sa sarili nila. Hindi nila ako napansin kasi nagbabangayan sila at nagtatawanan, it's only Mariam who saw me.

"Gago, Eryna ikaw ba 'yan?" Natataranta niyang sabi nang naibangon nila ang motor, nakakaawa tingnan ng motor na sinakyan ng apat na tao.

"Okay lang kayo?" Tanong ko nang makalapit.

"Jusko, ang ganda mo lalo!" Nagtatalon niyang iniwanan ang motor na muntik na ulit matumba buti ay napigilan ni Carl. . . ang laki na ni Carl.

The excitement on her face showed up. Umamba siyang yayakap pero agad huminto at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Sorry, gusto sana kita yakapin kaso ang dumi ko pa." Sininghot niya ang sarili at umaktong parang ang baho niya.

When I looked behind her kita ko ang mga pinsan na natigilan din nang makita ako.

"Ate," The spat in chorus. Hindi nakagalaw at nawala ang ngiti sa mga labi.

"Akala namin ay bukas ka pa?!" Napabaling ulit ako kay Mariam.

Lumapit ako at niyakap siya. Matagal ko nang napatawad ang inggratang ito. We communicate at times at nagpapadala rin ako ng mga gamit para sa kanila. Minsan tumatanggi na siya pero wala siyang nagagawa dahil pinapadala ko pa rin.

Para siyang nandiri sa sarili niya dahil sumigaw siya na huwag ko muna siyang yayakapin.

"Ate Eryna!!" At natumba nga ulit ang motor dahil si Aira, Carl, at Lily ay nagsitakbuhan sa amin. Si Lily, distant relative namin na medyo close namin sa pamilya.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now