"Good morning, Eryna Llanelli." Eron greeted as soon as he saw me outside my unit. Dalawa kami ni Miz na kakalabas lang. Hindi na kami natulog ni Miz sa haba ng napag-usapan.Nakasuot siya ng parka na itim, pareho kami. Si Miz at si Brayan ay nakasuot ng kulay army green, si Isadore ay kulay grey. We all looked ready, hindi pa nga nag-aagahan at alas tres palang ng umaga.
Didiretso na kami ngayon sa pupuntahang horse riding. I don't know if it's a good idea riding in winter kaya bahala na. I just hope it's a good ride though.
"Naks, what's with the full name?" Brayan sounds almost teasing.
"Pakialamero," Sinamaan siya ng tingin ng pinsan.
"Good morning," sagot ko, mabilis siyang bumaling sa akin at ngumiti.
Naglahad siya ng kamay, at first I thought he wanted to hold my hand, to only realize that he wanted to carry my small shoulder bag. Aayaw na sana ako pero nakuha niya na sa akin. Bumaba naman kami ng floor pagkatapos i-check lahat ng dadalhin, cellphone lang naman ang dala namin at pitaka.
Mizuki clutched into my arms. She shivered at the coldness that immediately hugged our bare face when we walked out the building, nasa parking pa nga lang kami, sobrang lamig na.
"Kay Brayan ako sasakay," Mizuki informed, mabilis ko namang nakita ang ngiti ng lalaki sa likuran niya.
"I will go with them. . . " Isadore said,
"Won't you be uncomfortable?"
"We've developed friendship you know," tumawa siya.
"Pwede namang doon nalang tayo lahat. . . " I suggested
"Masikip na, sumakay ka nalang kay Eron." Ani Miz at tinuro si Eron sa likuran ko gamit ang ulo niya.
Napalingon ako kay Eron, he nodded and got his key on the pocket of his pants. "Halika na," Mabilis siyang tumalikod at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Isadore, you sure you won't ride with us?" Sinulyapan ko si Eron na nakabaling sa banda namin, si Miz ay sumakay na sa sasakyan ni Brayan.
"Nah, I'm good. Those two are a mood." He said and chuckled. He waved a bit and turned his back on me.
Okay, sounds great. Sasakay na naman ako sa sasakyan niya pagkatapos noong sumakay akong basang-basa. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Eron at sumakay sa sasakyan niya. Aayusin ko na sana ang seatbelt pero nauna na siyang ayusin iyon sa akin. Pagkatapos ay sinara niya ang pinto at umikot sa harapan, he knocked on the mouth of the car then a tiny squirrel went out, running.
Eron groaned as he slid inside. Sinulyapan niya ako bago pinaandar ang sasakyan. I saw Brayan's car leaving us already, seryoso? Ayaw pa talaga kaming hintayin.
"Wala ka ng lagnat?" Tanong niya, nakatingin na sa akin ngayon. Hindi pa rin pinapatakbo ang sasakyan.
Umiling ako. "Nawala kahapon."
Tumango siya. "Good."
He blew a short breath out. "Eryna," seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon.
Nagtaas lang ako ng kilay, hindi nagpapahalatang kinakabahan, hindi ko na alam ang nararamdaman dahil sa lamig din ng panahon. Niyakap ko ang sarili.
"About what I said yesterday," panimula niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya."If. . . you ever want me back into your life," naninimbang ang titig niya sa akin, ang kanang kamay ay nkahawak sa steering wheel at ang isa ay walang lakas na nakasablay sa bintana ng kotse, kahit hindi ito bukas.
"What about it?"
He pursed his lips. "I want you back. . . I wanna court you," He bit his lips and later it turned into a pout.
YOU ARE READING
HE Who Saw the Deep (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED REVISED STORY of He Who Saw the Deep Eryna Chryses a hypocritical woman - overlooking the world of monochrome, promises herself to be free and fine someday. Until she met Eron Smith. A cheerful and perceptive young boy who witnessed her sa...