Days after feeling better, I went to Eron's house. Wala siya doon. I went to his franchise, wala rin doon. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Gusto kong humingi ng tawad.
I tried messaging on his number, messenger, and even on his email. Lahat ng naiisip kong paraan sinubukan ko. I waited. I was so wrong for doing that.
Naghintay ako sa harap ng bahay nila but there's only the guard who won't even talk to me. Sa labas palang tahimik ang bahay nila, para bang walang nakatira sa loob.
"Sir, nandiyan po ba si Eron?" I asked, nahihiya na ako dahil noong isang araw pa ako Pabalik-balik dito, nag-aabang, at nagtatanong.
Kumunot ang noo niya at inismiran ako. Kilala niya naman ako, pero bakit ngayon kahit papasukin ako'y parang ayaw niya? I wanted to say sorry. I wanted to let him know I regretted all the things that I have said.
"Wala rito. Hindi umuwi, last week pa." Mabilis niya akong tinalikuran.
Hindi pa nagsi-sink in sa akin pero nagtanong ako ulit. "Nasaan po? Umalis ba? Nagbaksyon?" I sounded so desperate that I have to gulp the ego I have. After pushing him away, maybe I deserve this, right? I know the damage and I'm willing to fix it.
"Ikaw si Eryna, di'ba?" Tanong niya, ngayon parang naiirita. Maliit na tango lang ang nagawa ko at nang makumpira niyang ako ay sarkastiko niya akong tinitigan.
"Ikaw, baka alam mo kung nasaan?" He asked sarcastically. Nasaan ba? Hindi naman nagtext sa akin. My fingers were unconciously fidgeting.
"H-hindi ko po alam, eh." He scoffed at my answer.
"Umuwi ka na neng, nagsasayang ka lang ng panahon." Dismayado siyang tumingin sa akin at naiiling na umalis sa harap ko. Para bang nahaluan iyon ng awa at pagkainis.
Ni hindi ako nakakapasok sa gate at sa labas lang nakikipag-usap sa kanya, nakahawak sa mga barandilya. I looked so desperate, ayaw ko ring itanggi.
"B-baka nandiyan po sa loob?" Hindi ko alam saan ko nahugot ang lakas ng loob nang sabihin ko iyon, napabaling siya sa akin. Bahagya tuloy akong nahiya.
"B-baka nagtago po, n-nag-away po kasi kami noong nakaraan at. . ." Sarkastiko siyang tumawa at iritado akong binalingan. Kung may ikakapal pa ang mukha ko baka hindi ko na kayanin.
Mariin siyang Bumuntong-hininga, tila ba naubos ang pasensya. "Umalis ka nalang at baka mapigtas pa ang pasensya ko sa'yo," Bahagya akong natakot nang seryoso niya akong tinitigan, kaya hilaw akong ngumiti.
"P-pasensya po, sige po babalik nalang ako." Sabi ko at nagmadaling umalis.
Something feels so heavy as I trailed the road of their subdivision. I was walking out when a white SUV passed by me, napalingon ako doon, nagbabakasakaling sa kanila iyon at naroon siya sa loob.
It slowed down because of the hump. Nabali ang lingon ko roon at tiningnan kung saan hihinto, when it passed through their house, I looked back ahead and continued walking.
Kung saan-saan napadpad ang iniisip ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Ni wala ako sa wisyo na sumakay ng jeep at natauhan lang nang makauwi. That's when I realized he must've been out of the country. . . Oo nga ata ngayon naaalala ko na! If I'm not mistaken, he told me that night he just wanted to ask me if I'd agree to him going out of the country, that's it. . . naisip ko ang pinsan niyang si Brayan, siguro alam niya kung nasaan si Eron, they're close.
I checked my facebook to search his name, nang makita ko iyon at ia-add na sana'y saka ko lang napansin na matagal na pala siyang nakapagfriend request sa akin. When was this? Hindi ko namalayan. I accepted it.
YOU ARE READING
HE Who Saw the Deep (COMPLETED)
Roman d'amourCOMPLETED REVISED STORY of He Who Saw the Deep Eryna Chryses a hypocritical woman - overlooking the world of monochrome, promises herself to be free and fine someday. Until she met Eron Smith. A cheerful and perceptive young boy who witnessed her sa...