Epilogue -I

199 5 4
                                    

Eron's POV

"Next year, make sure to follow us." Dad said, gusto kong umayaw pero ayoko nang makipagtalo.

Wala na siya sa Pilipinas next year kaya kapag hindi ko siya sinunod hindi ko personal na matatanggap ang galit niya. Kaya ko namang pakinggan ang galit niya sa phone kung nagkataon.

Wala lang talaga akong planong pumunta ng Canada. Anong gagawin ko roon? Now that I'm trying to picture it out, para na akong nalalanta sa sobrang boring.

I have life here. Kidding, boring din talaga ang buhay ko dito sa Pilipinas pero at least may nakakalaro naman akong mga kaedad ko ng basketball. Kung doon sa Canada? Sinong kalaro ko roon? Iyong si Connor? Malapit na ngang mag senior iyon, ayoko nang dumagdag pa sa araw-araw na pagsubok nila sa buhay.

I smiled to reassure dad when he looked at me with doubts. Mapanuri ang titig kaya mas nilaparan ko ang ngiti.

Oo na dad, susunod ako. I closed my eyes innocently.

Pero akala mo lang 'yon. I smirked evilly when he looked at his paperwork. Mabilis kong binuksan ang phone nang makita ang text ng Brayan.

Brayan: Samahan mo nga akong ipa-enroll itong kapatid ni Bries!

"Umayos ka nga," Bulong ni ate sa tabi ko.

"Itago mo 'yang phone mo." Saway niya kaya mabilis kong tinago iyon sa bulsa.

Nangaral pa talaga si daddy bago ako pinatulog ng mahimbing. Bukas ang alis nila ng umaga. Gusto kong ihatid pero sabi niya huwag na raw at hindi rin naman ako magigising ng maaga.

"Just rest, susunod ka naman next year. Huwag mo na kaming ihatid." I smirked when I heard him. 'Di mo sure, dad.

Naabutan ko ang mapagbintang na titig ni ate sa akin. Alam kong alam niyang tumatango lang ako pero walang plano, pero nananahimik lang siya. Ganyan dapat ang magkakapatid, nagtutulungan.

Ako: Galit ka ba? May exclamation point kasi.

Kinaumagahan ko pa siya na-replyan. Sarap ng tulog ko kagabi, eh.

Brayan: OO

Eh? Problema nito?

Brayan: Kagabi pa 'yang text na 'yan. Bilisan mong pumunta sa Mapua! Let's meet at 9!

Ano ba 'yan. Para niya akong sinisigawan. I don't like it. Mas binagalan ko ang kilos at nang makita kong 9 na saka pa ako kumain.

My phone rang while I was busy eating my meal. Hindi ko sana sasagutin kaso naririnig ko na ang malulutong na mura ni Brayan sa likod ng tumatawag na numero.

Inabot ko iyon at sinagot.

"Tangina nito, asan ka na? Andami nang studyante, amputek, may race pa akong pupuntahan nang 12." Halos sigawan niya na ako, rinig ko ang maingay at abalang background, marami na nga talagang estudyante.

"Good morning sa'yo diyan. Ang umagahan ko ay mura mo." Sarkastiko kong sabi na mas ikinairita niya.

"Kaya mo na 'yan, ulol. Kumakain pa'ko, maghintay ka." I spat that made him curse.

"Ipapaenroll ko nang ibang strand 'to ta'mo!" Bahagya akong naalarma, puta talaga itong lalaking ito walang simpatiya sa tao!

"Malaki na 'yan. Mas matanda pa 'yan sa'kin, eh. Kaya niya 'yan. Para pagtanong lang diyan."

"Alam mo namang englishero, kaya nga kita gustong isama para hindi ko na magamit ang utak ko diyan. Hindi ko maintindihan, parang kinakain ang salita! Bakit pa kasi ako ang inutusan, eh!" Nagmamaktol talaga siya.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now