Chapter 15

200 8 0
                                    

"The seniors ball is confirmed."

I heaved a sigh and looked outside the window. Hindi ko alam anong dapat na i-react ko sa narinig, wala naman akong balak na sumali sa ganyan at namomroblema pa kami sa pera ngayon dahil panay ang pagpunta ng mga maniningil sa bahay.

My classmates were celebrating in excitement. Si Ma'am naman ay patuloy sa paga-announce ng iilan pang detalye. Si Elijah ay napangisi rin at siniko ako. "Reserved ka na, huwag mo nang payagan kapag mayroong nagtangka."

My brows furrowed. Hindi naiintindihan ang ibig niyang sabihin. "Sa senior's ball."

Saka lang rumehistro sa akin ang sinabi niya. "Hindi ako sasali." Napabaling na siya sa akin ng tuluyan ngayon.

"Sayang sa pera." Sabi ko para maintindihan niya.

Tumango siya at nakinig muli kay Ma'am. Mukhang walang choice kundi manahimik.

"I have a wardrobe naman eh! It's not necessary na sumali but attending that completes our senior year."  Talak nang talak naman si Mizuki nang tumambay ulit kami ni Elijah sa bahay nila pagkatapos ng early dismissal.

Kaya pala nanahimik kanina kasi ngayon naman ako guguluhin. Nagsumbong pa talaga sa kaibigan!

"Itatanong ko pa kay mama kung may extra siya."

"Kung wala e'di hindi ka sasali?" Humalukipkip siya at namewang sa harap ko, may hawak pang paintbrush at nakasuot ng apron na puno ng dumi ng acrylics niya.

I shrugged and pushed her aside to look at the TV. Tumawa si Elijah at napailing.

"Sasali 'yan, hindi pwedeng hindi." Singit ni Eli habang nasa phone ang atensiyon.

"Anong ginagawa mo? Palagi ka nalang nagc-cellphone!" Miz frustratedly pointed out when Elijah couldn't be moved because of his phone.

Pansin din namin ang pagiging babad niyang mag online nitong nakaraan kahit hindi naman siya mahilig sa social media.

"I'm cleaning my account." Simpleng sagot niya bago pinatay ang phone.

"Let's go, I'm gonna cook."

"Elijah, talagang kukutusan kita sa susunod kung saan-saan mo dinadala ang kapatid ko." Banta ko nang maalala ang madalas na pag-uwi ni Kurt ng gabi dahil gumagala sila.

Tumawa siya. "Tinuturuan kong mag skid at mag basketball, sobrang talented ni Kurt. May future 'yan huwag mong pagbawalan gumala kasama ako, masama ka talagang impluwensiya." Humalakhak siya saka ko kinurot ang gilid, he groaned like he was that hurt.

Ako pa talaga ngauon ang masamang impluwensiya?! Siya nga itong inaako na ang kapatid ko at halos gawin nang kapayid niya dahil halos araw-araw na sila magkasama!

"Noong nakaraan sinama mong mamasada ng jeep! Nagsumbong sa akin!" Ngayon ay hindi lang ako ang naf-frustrate sa kanya kundi pati si Miz.

"Nagdrive ka na naman ng jeep?! Sabing huwag di'ba? Elijah ang tigas ng ulo mo!" Hinampas niya ito ng palette kaya natapunan ng kaunting acrylic ang pisngi niya.

"May namamasada bang isa lang ang pasahero? We were just strolling around tapos biglang sumakay si.. iyong babae, hindi ko naman mapababa at hindi umiimik, ginabi tuloy kami sa kalsada kakaikot mula Maa hanggang Depo."

Nang akmang kukurutin na siya ni Miz ng tuluyan ay umiwas siya at tumawa. Hindi namin siya naabutan kaya nagsimula na namang magsermon si Miz.

He crouched and covered his ears. "Ahhh!" Parang batang pagdidistract niya sa sarili para hindi na kami marinig. Napatawa nalang kami. Tinapon siya ang phone sa sofa at tumakbo papuntang kusina.

HE Who Saw the Deep (COMPLETED)Where stories live. Discover now