CHAPTER 31

8 0 0
                                    

Faith

I lazily stroke his hair strands using my right hand. Nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko habang payapa siyang natutulog. Nakagapos din ang matipuno niyang braso sa aking tiyan, ilang sentimetro pataas sa aking dibdib habang ang kanyang mahabang hita ay nakadantay sa akin.

He looked so peaceful that I couldn't even close my eyes to sleep.

Ang sabi ni Karissa, nilapitan lang ako ni Philip para paghigantihan. I smirked at that thought. Ano pang sisirain ng taong 'to sa akin eh dati na akong wasak.

I don't care if he'll take revenge on me...ang importante ay lumapit siya sa akin. He entered into my life and made me whole again.

He made me whole again.

Mahal ko siya eh. Ano ngayon kung durugin niya ako? Kung ibibigay ko ba sa kanya ang pagkakataong maghiganti sa akin ay mamahalin pa rin niya ako?

Mahal...mahal niya ba ako?

I could only imagine the things we've done and the memories we shared for the past months. Hindi ako ipokrita. Those were the happiest days of my life since that tragedy. I started to cope-up and gradually forgave myself. Inayos ko ang sarili ko. Mahirap pero unti-unti, naaabot naman.

Pero sa mga nalaman ko, konsensya ang kumakain ngayon sa kaisipan ko.

I cannot taint his name just because he's with me. He is a reputable man in this community. And the people here despise my whole clan. Nagtataka nga ako't hindi ko naabutang sunog ang mansyon na ito. Everybody knew that my grandmother killed an unborn child; such a disgraceful and inhumane act.

Pero...ano'ng magagawa ko kung tinamaan ako ng magaling kong puso?

Ano? Paiiralin ko na naman ba ang pagiging makasarili ko? Aangkinin ko siyang akin at pag-uusapan siya ng mga taga-rito kung paano siya nabilog ng isang Arconado? Ang taong sumira sa buhay ng kanyang ina? Na naatim niyang makipagrelasyon sa pamilyang umagrabyado sa kanila?

Hindi ba't parang parusa iyon? Na araw-araw ay dala-dala niya ang koneksyon na meron sa akin. Para ko siyang binigyan ng habang-buhay na parusa dahil doon. Kasiraan niya ako. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon.

Minsan na akong naging makasarili at delubyo ang nangyari. This time, I won't do the same mistake twice.

I don't want to do this but I have to decide now.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang masyadong pag-iisip. The next thing I knew, someone hugged me from behind. The familiar heat on his body comforted me. And while he's kissing my naked shoulder, I can't help but open up my eyes and smile tenderly.

"Gising ka muna. It's already nine in the evening and you haven't eaten anything. You should eat your dinner." bulong niya sa akin.

Bumuhos sa utak ko ang mga naisip kanina. I can tell him now my decision but as I looked at him, he looked so peaceful and happy. I can't break his heart now.

Sabay kaming nag-dinner. Nauna na si Bianca dahil masama raw ang pakiramdam niya. I ate what he cooked sumptously. Nagtawanan at nagkwentuhan kami na parang walang nangyari ngayong araw.

Pero siyempre, hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya tayo. May mga panahong kailangan nating harapin ang masasakit na katotohanan.

Hinatid ko siya hanggang sa kanyang sasakyan. It's almost midnight. Kailangan niya nang umuwi dahil may trabaho pa siya bukas. Aasikasuhin ko rin ang clinic na kasalukuyan kong ipinapagawa.

"Can I sleep here?" malamyos na tanong niya sa akin.

I smirked and shook my head. "Umuwi ka sa sariling bahay mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 10 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon