Chapter 13
Muntik pa akong malaglag sa sofa ng biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon.
Time check. 4:42pm
Meron pa akong dalawa't kalahating oras para mag-prepare bago dumating si hubby. Ehem.
Tinungo ko ang fridge at nilabas na ang mga ingredients ng lulutuin ko para ma-defrost na ang karne. Mas mabuti ng magluto ng maaga para may oras pa ako magpa-beauty bago siya dumating. Iinitin ko na lang uli pag alam kong malapit na siyang umuwi. I want to prepare something special for him.
Naglinis muna ako ng bahay. Hindi naman masyadong madumi ang buong kabahayan dahil weekly naman niya ito pinapalinisan. Kahit sa kwarto ay nagpalit ako ng kubre-kama at mga punda ng unan. You know, just preparing for our steamy session later. Wink*
Pagkatapos ma-satisfy sa ayos ng buong bahay ay inumpisahan ko ng magluto. I'm going to make special pepper steak at tempura na tinuro sa akin ni Glaiza. Hindi ko alam kung anong espesyal dun basta ang mahalaga magustuhan ito ni Christian.
Para akong chef sa isang cooking show dahil nire-recite ko muna bago ko gawin ang susunod na step. Chop here. Chop there. Throw here. Throw there. Taste here. Taste there. Burn here. Burn there. Di ko na kasi mabilang kung ilang beses akong napaso.
After 30 minutes...
Voilà! Luto na!
Inayos ko na rin ang table setting. Naglagay din ako ng tatlong cylinder glass candle holders na iba-ibang size with scented candles na nahalungkat ko sa kitchen cabinet. Completed with chilled red wine. O ha, romantic di ba?
Naligo na ako. Siniguro kong malinis ang bawat sulok ng katawan ko. Siyempre gusto ko fresh, clean at mabango ako pag dating ni Christian baby ko.
Namili ako ng isusuot sa mga dress na binili ni Christian para sa akin.
Napili ko ang isang black lace dress na may long o collar at above the knee ang haba sa harap habang ang likod ay mahaba ng bahagya lang. Lingid sa kaalaman ni Christian, there's a surprise underneath this dress. Inayos ko ang buhok ko in a messy bun and applied light lipstick. Hindi na ako nag-abalang mag-lipstick at magmake-up pa ng bongga dahil alam kong matatanggal din naman mamaya, right?
Nagpabango muna ako bago lumabas ng kwarto para i-check uli ang table kung may na-miss pa ako. Nagpaa muna ako, mamaya na ako magsusuot ng shoes. Pina-dim ko ang ilaw sa sala at pinatay naman ang sa kusina para tanging ilaw na galing sa kandila at sa labas ang tanglaw namin.
Tumingin ako sa orasan. I still have 40 minutes. 7:30 or 8pm daw kasi ang uwi niya ngayon so ba-biyahe pa siya. Baka traffic pa sa kalsada.
Naupo muna ako sa dining chair at nanalungko. Magustuhan kaya ito ni Christian? Pa'no kung allergic siya sa beef o kaya sa prawns? Dapat pala tinanong ko muna siya. Pa'no kung masarap sa panlasa ko, tapos kabaliktaran naman pala sa kanya?
Tiningnan ko ang cellphone ko. Naisip kong i-text siya pero nagbago ang isip ko kaya si Glaiza na lang ang tinext ko.
Me: Bru, gawa mo?
Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring sagot mula kay Glaiza. Siguro busy ito kaya hindi pa nagre-reply. Nagpatugtog na lang ako sa cellphone ko.
Everything I do by Brandy
Look into my eyes
You will see
What you mean to me
Sinabayan ko na lang ang pagkanta habang marahang tinatap ang mga daliri ko sa table.
![](https://img.wattpad.com/cover/42269452-288-k871094.jpg)
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...