Chapter 8

32.6K 807 24
                                    

Chapter 8

"Uy day, wag mo kaming kalimutan pag yumaman ka na ha." Biro ni Berry sa akin.

Tumawa ako. "Hayaan mo, babalatuhan ko kayo." Sakay ko sa biro niya.

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng damit pan-dalawang linggo. Halos pagkumpulan nila akong lima. Daig ko pang nakapangasawa ng milyonaryo kung makaasta ang mga ito. Sabagay ang isang araw nga namin ay katumbas na ng dalawang linggong sahod ng pangkaraniwang empleyado, pa'no pa kaya kung dalawang linggo?

Sa totoo lang hindi ako excited ngayon. Wala akong nararamdamang saya kahit alam kong malaking halaga ang kapalit nito. Hindi tulad ng mga nakaraang booking ko, halos himatayin pa ako pag na-book ako ng tatlong araw. Ngayon lang kasi nangyari na may nagbook na customer sa isa sa amin ng ganito katagal kaya halos pagkaguluhan nila ako.

Alam ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

Dahil ito kay Christian.

Simula ng nakilala ko siya parang biglang nagbago ang tingin ko sa mundo, sa paligid ko. Pakiramdam ko'y ibang tao na ako. Iyong parang narebirth ako. Nag-iba ang pananaw ko sa buhay at higit sa lahat, sa pag-ibig.

Kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala, alam ko mahal ko na siya. Pakiramdam ko'y kilala ko na siya buong buhay ko. Parang sa kanya ko na lang gustong ipagkatiwala ang katawan ko. Gusto kong sabihin sa kanya na angkinin na niya ako, ang lahat-lahat sa akin. Ang katawan ko. Ang puso ko. Maging ang kaluluwa ko.

Pero ayokong pangunahan siya dahil alam kong sa bandang huli, ako lang din ang masasaktan...

Di ko na ma-imagine ang sarili kong may kasiping na iba. Isipin ko pa lang na may ibang gagalaw pa sa akin maliban kay Christian ay naluluha na ako. Ayoko ng may iba pang bababoy sa katawan ko. Sawa na akong kung sino-sino ang humahawak sa akin.

Ngayon ko lang narealize na pagod na pala ako. Pagod na akong magpanggap na ok lang ako, na ok lang maging pokpok at maging parausan ng kaligayahan ng iba. Pagod na pagod na ako.

Ngayon ko lang din na-realize ang gusto ko. Gusto kong maging tunay na masaya. Gusto kong maranasan kung paano maging masaya. Gusto ko rin maranasang ako naman ang pasayahin. Gusto ko ring may magmahal sa akin ng totoo. Iyong walang hinihintay na kapalit. Gusto ko....

Andami kong gusto.

Pero ang hirap abutin.

Ang hirap, kasi imposible.

Ang hirap makuha dahil hindi ito nabibili ng salapi.

"Hoy, Bru, ok ka lang?" Narinig kong tanong ni Glaiza.

May pumatak na tubig sa kamay ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Dali-dali kong pinahid ang luha ko at kunwa'y sinasara ang travelling bag na dadalhin ko.

Tumango ako at pilit na ngumiti. "Yup, ok lang ako. Naalala ko lang kasi ang kapatid ko." Pagsisinungaling ko. Di na nila kailangang malaman pa ang tunay na dahilan ng pag-iyak ko.

Niyakap ako ni Glaiza kaya lalo akong naiyak. Bakit ba ang taong umiiyak, pag kinomfort mo, lalong umiiyak?

"Pasasaan ba't magiging ok din ang lahat. Just be patient."

'Patient? Matagal na akong nagpa-pasensya. Sagad na sagad na nga eh'. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero tumango na lang ako.

Nagpaalam na ako kay Glaiza at sa mga kasama ko.

Dumating na ang sasakyan na maghahatid sa akin sa destinasyon ko. Courtesy ng club.

Mabigat ang loob ko ng pumasok ako sa loob ng sasakyan. Gusto kong umurong pero naalala ko ang mukha ng kapatid ko. Pakiramdam ko'y tila isa akong kriminal na hahatulan ng kamatayan.

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon