Chapter 2

46.7K 942 69
                                    

Chapter 2

Mr. C. Venezia Garden Hotel. Room 201.

Binasa ko uli ang message saka ko dinelete.

First time kong pumasok dito sa five star hotel na ito. Kung sino man ang kliyente ko ngayon, either bigatin ito o sadyang pashow-off lang ito. Tiningnan ko ang oras. 10 mins bago magalas-sais. Eksakto sa usapang oras. Ayoko namang maging paimportante.

Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang number 2.

Dinouble check ko ang suot ko sa salamin. Black sleeveless na above the knee ang haba, malalim ang pagka-V nito sa harap pero hindi malaswang tingnan at black pump shoes. Nakalugay ang semi-brown hair ko at minimal lang ang make-up ko. Biniyayaan ako ng makinis na kutis kaya di ko na kailangan ng makapal na foundation. Kahit isa akong pokpok, ayoko pa rin naman na bastusin ako habang naglalakad sa daan.

Madalas napagkakamalan akong model. Tama naman sila kasi rumarampa din naman ako, sa harap nga lang ng mga lalaki. Humugot ako ng malalim na hininga ng bumukas ang elevator. Lumabas ako at agad kong nakita ang designated room.

Let's get it on!

Kumatok ako. Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaking..

Nerd?

Nakaeye-glasses ito at nakagel ang buhok na nakaside-way. Nakatuck-in ang green polo shirt nito at plantsadong-plantsado ang khaki pants. Ok lang cute naman siyang tingnan eh. Tantiya koy ay nasa 25 to 27 na ito. More or less may taas na 5'11". Katamtaman lang ang laki nito. Hindi ito mataba, hindi rin naman ito payat. Infairness, ambango niya. Parang baby na bagong paligo.

Malayo sa ini-expect ko. Akala ko isa itong matandang mayamang negosyante, malaki ang tiyan at amoy usok ang hininga.

Napansin kong natulala ito at medyo nakaawang ang mga labi. Lihim akong napangiti. Ang nagagawa nga naman ng magandang mukha.

"Hi, handsome, can i come in?" Seductive kong sabi.

Natauhan ito, namula ang mga pisngi at niluwangan ang buka ng pinto. Nauutal pa ito ng magsalita. "Y-yeah s-sure, please c-come in." Muntik pa atang pumiyok.

Pumasok ako at naupo sa sofa na malapit sa kama. Halatang mamahalin ang laman ng kwarto. May malaking flat screen tv na nakakabit sa dingding. May mini-bar din ito. Malawak ang espasyo at may floor to ceiling na bintana. Malambot din ang king-sized bed nito.

Sumunod ang lalaki sa akin at naupo sa tapat ko. Tumitig na naman ito sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko. Kumurap-kurap ang mga mata nito sabay lahad ng palad.

"Oh I..I'm sorry. M-my name is..Christian."

Inabot ko ang mga palad nito. Malamig ang mga kamay nito.

"I assume alam mo na ang pangalan ko, but anyway, I'm Honey. Nice to meet you."

"N-nice to meet you too." Binitawan na nito ang kamay ko at tumayo. "Do you want something to drink? Coffe, juice or anything?"

"How about your blood?" Biro ko.

Tumawa ito kaya kitang kita ko ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito. Parang model ng toothpaste. "You're funny."

Tumalikod na ito at binuksan ang fridge. Kinuha niya ang coke in can at pinakita sa akin. Tumango ako. Kumuha din ito ng para sa kanya at bumalik sa dating kinauupuan.

Lumagok muna ito bago nagsalita. "Uhmm so..you know..uhm..w-we don't have to do anything. We can just talk while waiting for the time."

Inglesero ha pansin ko lang.

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon