Chapter 14

28.7K 534 12
                                    

Chapter 14

Humihikab pa ako ng buksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang ngiting-ngiti na Glaiza.

Napakunot noo ako.

"Bru?" Nagtatakang tanong ko.

"At bakit parang takang-taka ka pa diyan, bruha?" Nakapamaywang na tanong sa akin ni Glaiza.

Humalik siya sa pisngi ko at siya na rin ang nagpatuloy sa sarili niya. Niluwangan ko ang bukas ng pinto at sinarado pagkapasok niya ng tuluyan.

"Pa'no mo nalaman 'tong lugar ni Christian?" Natutuwa naman ako na nandito siya pero di ko matandaang sinabi sa kanya ang place na 'to.

I wonder lang naman.

Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay habang tinitingnan ako baba-taas.

"Ahhh..Ohhhh..does that ring a bell to you?" Aniya na exage pa ang pag-ungol na parang pornstar.

Oh my, don't tell me siya ang kausap ko kagabi!

Hindi ko pa natitingnan ang cellphone ko hanggang ngayon kaya wala akong ideya kung sino na ang mga kumontak sa akin.

Shucks! Na-witness pa ng tenga nito ang private session namin Christian!

Alam kong pulado na ang mukha ko kaya dinaan ko na lang sa pagtawa ang pagkapahiya ko.

Dati, wala akong pakialam kung pag-usapan namin ang mga nagiging partner namin, pero pagdating kay Christian gusto kong sa aming dalawa lang 'yon. Ayokong i-share kahit pa sa kaibigan ko.

"Naliligo ako nung nagtext ka kung anong gawa ko pero nag-reply agad ako pagkakita ko sa message mo. Dahil antagal mong mag-reply, tinawagan kita. Oh boy! daig ko pang nakikinig ng porn sa radyo! thrust me. At pagkatapos mong sabihin ang address nitong condo, mungkat mong babaan ako ng cellphone? Ikaw na teh! Hiyang-hiya si Rosanna Roces nung kapanahunan niya sa ungol mo." Mahabang sabi pa niya na pinaputok pa ang bubble gum na nginunguya.

Tumawa uli ako.

Di ko na sinabi sa kanya na hindi ko rin maalala na siya ang tumawag sa akin dahil na kay Christian ang buong atensiyon ko.

Nagpatiuna akong pumunta ng kusina at tinanong kung anong gusto niyang inumin.

"H2o na lang, bru." Aniya. Sumunod siya sa akin sa kusina at komportableng naupo.

Sinalinan ko siya ng tubig sa baso. Binutingting niya ang laman ng nakatakip na pagkain sa lamesa. Hindi din nakaligtas sa kanya ang sticky note na iniwan ni Christian. Buong lakas niyang binasa ang nakasulat doon at pagkatapos ay humagikgik.

"Huwaw! Ang shwet naman ni Mr. C." Tudyo niya habang winawagayway pa sa mukha ko ang note.

Natatawang hinablot ko sa kanya iyon pero hindi siya natinag at sa halip ay idinikit iyon sa noo ko.

"Baliw ka talaga!" Tumatawang sabi ko. Tinanggal ko ang note sa noo ko at idinikit sa pinto ng fridge.

"Maganda naman!...anywho, inggit sa'yo ang mga girlalu sa club. Ikaw ang talk of their mouth! Ikaw na talaga, Bru! Na-book na ng two weeks, may dyowa pa! Haba ng hair...nag-rejoice ka ba, girl..." Kinanta pa nito ang huling sinabi.

Tumatawang napapailing na lang ako sa kagagahan ng kaibigan ko. Kahit kelan talaga napaka-taklesa nito.

Maya-maya'y nagseryoso na ito at tumingin sa akin. Tumitig siya sa mukha ko na parang pinaga-aaralan ito.

"Pero alam mo, bru, masaya ako para sa'yo. Nakikita ko kasing masaya ka ngayon. Yung totoong saya ha. Kapag tumatawa ka kasi may twinkle na ang mga mata mo. Hindi katulad ng dating Sabrina na tumatawa nga pero walang laman, you know what I mean? Natutuwa ako kasi nakahanap ka ng Christian na magmamahal sa sa'yo. Yung tanggap ka kahit nasa ganitong trabaho tayo. At alam kong swerte din si Christian sa'yo dahil isa kang mabait na tao. Maganda ka sa loob at labas. Di ko sinasabi ito dahil sa kaibigan kita ha. And I know in my heart na deserving kang maging masaya. Kung sino man ang Christian na 'to, gusto ko siyang pasalamatan dahil pinasaya niya ang kaibigan ko, who is the best person in the whole wide world. No chika. No bola. I'm really happy for you, bru."

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon