Chapter 19

19.5K 483 12
                                    

Chapter 19

Alas-singko pa lang nandito na kami sa beach resort at villa na pag-aari ng kaibigan ni Christian. Maganda ang view dito. May makikita kang isang maliit na isla mula sa di kalayuan. Pwede kang mamili kung gusto mong maligo sa malinaw na dagat, sa infinity pool o kaya naman ay sa hot spring.

Kami pa lamang dalawa ang nandito. Sinet-up na niya ang pag-iihawan ng mga iba't ibang klase ng seafoods pati ang mga inumin sa cottage na malapit sa dagat. Ayaw niya akong tumulong dahil ayaw daw niya akong mapagod. Ang sweet ng baby ko , di ba?

Nagsimula na siyang mag-ihaw kaya nagkasya na lang ako sa panunuod sa kanya.

As usual, ganun pa rin ang get-up niya. Nakaside-brushed ang hair nito at suot pa rin ang eye-glasses. Nakatucked in ang t-shirt nito sa shorts na suot.

Lumapit ako sa kanya. May gusto akong gawin pero gusto kong makita ang reaksiyon niya. Ngumiti siya sa akin at humarap.

"Why, baby?"

Hindi ako sumagot pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at tinanggal iyon sa pagkakatuck-in. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-flash ng disappointment sa mukha niya at umiwas siya ng tingin.

So, ayaw niya ng ganun? Ok lang naman sa akin. Hindi naman ako natu-turn off sa kanya kaya binalik ko ang pagkakatucked-in ng t-shirt niya.

"If you like me like that, it's ok, baby." Aniya na pilit ang ngiti.

No, ayokong baguhin siya kung hindi siya komportable. Hinalikan ko siya sa labi. "Baby, ikaw pa rin ang pinaka-gwapong lalaki para sa akin kahit ano pang klase ng pagdadamit mo."

Ngumiti na siya sa akin ng totoong ngiti. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at tinanggal ang pagkakatuck-in ng t-shirt niya

Tinitigan ko siya. Sinisigurong ok lang sa kanya ang ginawa. Ngumiti siya sa akin kaya alam kong ok na talaga sa kanya.

"Brad!"

Napalingon kaming dalawa sa tumawag. Si Francis. Ngiting-ngiti itong lumapit sa amin ni Christian. Naka-white t-shirt at board shorts lang ito. Malayo sa doctor image na unang nakita ko.

Nakipag-brotherly hug muna ito kay Christian bago siya humarap sa akin.

"Sabrina! It's nice seeing you again!" Nakipagfist-bump ito sa akin na akala mo'y matagal na kaming magkakilala.

Natawa na lang ako sa kanya.

"Anong pagkain natin diyan?" Pinagkiskis pa nito ang mga palad. Kukuha sana ito ng pork barbeque na naihaw na pero tinapik ni Christian ang kamay nito.

"Wait for the others, doc! Buti pa tumulong ka munang magluto dito." Nakatawang saway ni Christian.

"Man! Pwede bang taga-kain na lang ako?" Kumakamot sa ulong tanong niya.

"Hindi! Darating na rin yung iba."

"Sino-sino pa bang mga darating?" Pasimple itong dumikwat ng inihaw na pusit.

"Si Aaron papunta na. Ewan ko kung makakarating si Harold. Glaiza maybe is on the way."

"Sinong Glaiza?"

"Sabrina's friend. Baby, can you pass me that thong?" Baling sa akin ni Christian.

Inabot ko sa kanya ang thong. Ayaw niya akong tumulong kaya taga-abot na lang ako ng kailangan niya.

"Is she pretty?" Tanong ni Francis. "Lahat kasi ng kakilala kong Glaiza, magaganda." Sumubo uli ito ng barbeque.

"Yes, she is. Damn, man! Mauubos mo na ang foods natin bago pa dumating yung iba." Sita sa kanya ni Christian.

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon