Chapter 21

23.3K 447 5
                                    

Chapter 21

"Bru." Tawag ko kay Glaiza habang nag-a-apply ng sunblock sa braso ko.

Nasa infinity pool kaming lahat. Magkakasama ang mga lalaki sa kabilang side samantalang nasa kabila naman kami ni Glaiza habang nakaupo sa lounge chair ng pool. Kakaahon lang namin sa pool dahil napagod na sa paglangoy.

"Glaiz?"

Wala akong narinig na tugon mula dito kaya luimingon na ako sa kanya. Nagbabasa ito ng libro pero alam kong wala sa libro ang isip nito dahil nakabaliktad ang librong hawak-hawak niya. Natawa ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Hoy, bruha!" Sigaw ko sa mukha niya.

Nagulat ito at nabitawan ang librong hawak.

"Sabi ko na nga ba eh. Nakababa ka na ba mula sa wanderland?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Anong wanderland?" Kunot-noong tanong niya.

"Kanina pa kasi naglalakbay ang imahinasyon mo base sa obserbasyon ko. Nagbabasa ka nga ng libro, nakabaliktad naman. Sino bang iniisip mo?"

"Tse!" Namula siya saka isinuot ang shades niya para siguro pagtakpan ang pagkapahiya.

"Ikaw ha, andami mong sikreto." Sabi ko sa kanyang kunwa'y nagtatampo.

Hindi ito umimik saka yumuko habang kinakagat ang ibabang labi. Bumalik ako sa kinauupuan ko para ipag-patuloy ang pag-lotion.

Hindi ko alam kung normal ito sa magkaibigan pero wala talaga ako kahit anong tampo sa kaibigan ko kahit marami siyang hindi sinasabi sa akin. Sabi kasi nila ang pagkakaibigan ay walang lihiman sa isa't isa. Tunay kang kaibigan kung wala kang itinatago sa kanila. Pero para sa akin, hindi iyon doon nasusukat. Dahil para sa akin, friendship is all about understanding each other. Accepting each other's flaws. Respecting each other's emotion and privacy and just being with each other during ups and downs is enough. Ewan ko lang sa iba. Siguro dahil ganun ako kay Glaiza.

"I'm...I'm sorry." Narinig kong sabi ni Glaiza.

Napalingon ako sa kanya. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Sorry ha..." Ulit niya.

"Para saan?"

"Kasi...lahat-lahat ng tungkol sa'yo alam ko, pero ako, wala man lang akong maikwento sa'yo tungkol sa buhay ko. Wala naman kasing magandang nangyari sa akin sa tagal ng inilagi ko dito sa mundo."

Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Ayokong pilitin siyang mag-kwento kung hindi pa siya handa kaya lumapit ako at naupo sa tabi niya.

Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Okay lang, naiintindihan ko. Hindi mo na kailangang magpaliwanag."

Ngumiti siya sa akin.

"Salamat, bru. Hayaan mo isang araw, magki-kwento ako sa'yo."

"Balang-araw?"

"Balang-araw." Sagot niya.

Natawa kaming pareho.

"Akala ko ba magta-topless ka pag nakakita ka ng lalaking pasok sa banga?" Biro ko sa kanya para maiba ang usapan.

"Gusto mong pag-piyestahan ako nila Aaron dito?" Tumatawa niyang sabi.

Hindi niya sinabing wala siyang nakitang lalaking gusto niya kaya tila kinumpirma niya ang hinala ko. Hinayaan ko na lang muna iyon. Alam kong may something sa kanila ni Francis base na lang sa panaka-nakang pagtingin ni Francis sa direksiyon namin.

"Ako na lang ang magta-topless. Andito kasi ang lalaking pasok na pasok sa banga ko eh." Kunwa'y huhubarin ko ang cover-all na tumatakip sa one-piece swimsuit ko. Ayaw ni Christian na magtwo-piece ako eh.

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon