Chapter 20
"Cheers!" Tinaas ni Aaron ang baso niya na may lamang whiskey.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong nag-cheers.
"Cheers!" Chorus naman naming lahat.
Rum and coke lang ang iniinom naming dalawa ni Christian. Samantalang whiskey sa tatlong lalaki at beer naman ang kay Glaiza.
Kasalukuyan kaming nakasalampak sa buhangin at nakapaikot sa bonfire. Nakilala ko na ang dalawa pang kaibigan ni Christian. Si Aaron, siya ang pinaka-kalog sa lahat at mahilig mang-alaska samantalang si Harold naman ang medyo serious type at bihirang mag-salita. Walang itulak-kabigin sa kagwapuhan nilang lahat, but of course, pinaka-gwapo para sa akin ang baby ko. Wala ng kokontra.
Well, si Francis naman ay.....napatingin ako kay Francis na kasalukuyang titig na titig kay Glaiza. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito simula ng dumating kanina si Glaiza at kung sumabat man sa usapan ay madalang lang. Habang si Glaiza naman ay magkaka-stiff neck na para lang iwasang tumingin sa gawi ni Francis. Nasa gitna nilang dalawa si Aaron at katabi naman ni Glaiza si Harold.
Hmm, may nase-sense akong tension sa dalawang 'to.
"Cheers!" Si Aaron uli. Medyo lasing na ito. Ito kasi ang naunang uminom ng alak pagkatapos na pagkatapos naming mag-dinner.
"P're, mukhang unli ang cheers mo ah." Natatawang sabi ni Harold kay Aaron. Ngayon ko lang uli ito narinig magsalita.
"Hindi, p're. Masaya lang talaga ako para kay Christian at Sabrina. Ngayon ko lang kasi nakita si Christian na in-love eh. Congrats sa inyong dalawa. Congrats, pareng Christian!" Nakipag-apir pa ito.
Tumingin ako kay Christian at bigla itong nagchest-out. Natawa ako. Hindi naman siya halatang proud doon. Iniyakap niya ang isang braso sa baywang ko at hinalikan sa pisngi. Ganun din ang ginawa ko sa kanya saka humilig sa kanyang dibdib.
"Oy, bawal ang PDA sa beach!" Biro ni Glaiza na sinundan ng mga kantiyawan.
"Pag kinasal kayo, sagot ko na ang kwentuhan!" Proud pang sabi ni Aaron.
Nagkatawanan kami. Lasing na nga si Aaron. Masyado ng madaldal.
"Brad, kasal 'yon, hindi inuman!" Natatawang sabi ni Christian.
Lalo kaming natawa.
"Ay hindi ba? Sagot ko na rin sana ang pulutan eh!"
Tawanan uli.
"Ikaw pareng Chiz." Baling nito kay Francis. "Kelan mo kami ipapakilala sa girlfriend mo?"
Nakita kong sumulyap muna si Francis kay Glaiza saka nagsalin ng alak sa baso niya. "Wala pa." Sagot nito sabay lagok ng alak.
"Si Harold mukhang may bagong inspirasyon eh." Wala talagang preno ang bibig ni Aaron.
Sabay-sabay kaming napatingin kay Harold. Nakita kong sumulyap ito kay Glaiza at biglang namula ang mukha nito.
Uh-oh.
Mukhang may karibal si Francis kay Glaiza.
"Glaiza, usapang matino 'to." Si Glaiza naman ang pinagbalingan ni Aaron. "Mabait 'yan si Harold. Stick-to-one pag nagmahal. Pag nanligaw ba sa'yo si Harold, may pag-asa siya?"
Tumawa si Glaiza sabay sabing, "Why not?"
Nagulat kaming lahat ng biglang padabog na tumayo si Francis at nag-walk out.
"Anong problema nun?" Nagtatakang tanong ni Harold.
"May nasabi ba akong mali?" Tanong naman ni Aaron. Parang nawalang bigla ang kalasingan nito.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...