Chapter 26
"Hoy! Bruha!" Narinig kong sigaw ni Glaiza saka niyugyog ang balikat ko.
Minulat ko ang mata ko pero agad ko ding tinakpan dahil nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito habang tinatanggal ang kamay ko sa mukha.
Napilitan akong bumangon kahit bahagya pa akong inaantok at pumungas-pungas pa.
"Nag-away ba kayo ni Christian?" Worried niyang tanong sa akin.
Ayoko munang mag-kwento sa kanya kaya kunwa'y kumunot-noo ako. "'Andito lang, nag-away na agad, di ba pwedeng na-miss ko lang kayo?" Nakatawang sabi ko.
Faking things. Expert ako d'yan.
"May inasikaso kasi siya about sa business nila kaya mawawala siya ng ilang araw. Gusto niya akong isama kaso mabo-boring lang ako kaya dumito na lang ako." Pagsisinunagling ko pa. Kung si Pinocchio lang ako, kanina pa humaba ang ilong ko.
Tinitigan niya ako. Alam kong di siya naniniwala pero hinayaan niya na lang ako. Katulad ko rin siyang hindi mapag-usisa kaya siguro magkasundo kami.
"Lika na, kumain na tayo. Tanghali na oh." Tumayo na siya.
Ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko dahil buong araw akong walang kinain kahapon kaya tumayo na rin ako.
"Okay, sige. Mag-shower lang ako saglit."
"Hintayin na lang kita sa kusina ha. Nag-take out lang ako ng food buti na lang dinagdagan ko kaya kasya sa atin 'yon."
"Ok, thanks!"
Lumabas na siya ng kwarto. Buti na lang may mga damit pa akong naiwan dito kaya may magagamit pa akong pamalit. Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na. Nag t-shirt lang ako at short shorts tutal dito lang naman ako.
Bago lumabas ay nag-pulbos muna ako para hindi masyadong haggard ang itsura ko saka pinaaliwalas ang mukha. Ngumiti ako ng parang natural para wala silang mahalata na may kakaiba sa akin.
Nadatnan ko sa kusina si Glaiza at si Berry na halatang kararating lang.
"Uy, day! Kumusta ang rejoice girl? Anong maipaglilingkod namin sa'yo?" Nakatawang tanong ni Berry sa akin.
Tumawa ako. "Rejoice girl ka d'yan!"
"Ba't andito ka? Nasa'n ang fiancé mo?"
May tila kumurot sa dibdib ko ng marinig ko ang salitang 'fiancé'. Sinabi ko sa kanya ang dahilang sinabi ko kay Glaiza kanina. When lying, be consistent. Iyon ang isa sa mga rules ng pagsisinungaling na natutunan ko through experience.
"Hay naku, day! You already! Ikaw na talaga!"
Tumawa uli ako at saka humila ng upuan at naupo na.
"Tara na, kain na tayo." Yaya ni Glaiza na panay ang sulyap ng makahulugan sa akin.
"Wow, mukhang masarap 'yan ah!" Kunwa'y excited kong sabi habang nakatingin sa fried chicken at nilagang baka. Pero sa totoo lang, parang ayaw pang tumanggap ng pagkain ang sikmura ko kahit ramdam ko na ang gutom. Mas masarap siguro 'yan kung kasabay kong kumain si Christian.
"Talagang masarap 'yan. Libre ni Apple eh!" Biro ni Berry na kumubit pa ng fried chicken.
"Loka-loka, may bayad 'yan!" Ganting biro Glaiza sa kanya.
"Kung may bayad 'yan eh di marami na pala akong utang sa'yo?" Anitong puno pa ng pagkain ang bibig. Natawa na lang kami sa kanya. "Nga pala, nabasa n'yo na ba yung text ni Mami Faye?"
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...