Chapter 30
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala. Nakatitig lang sa kawalan habang nakasalampak sa sahig at nakasandal ang ulo sa pader. Sumasakit ang dibdib ko sa samu't saring emosyon na nararamdaman ko.
Galit sa sarili.
Pagkamuhi sa ginawa ko.
At higit sa lahat...
Guilt.
Parang may kung anong kumakain sa loob ng puso ko na unti-unting bumubutas doon. Pakiramdam ko'y masahol pa ako sa kriminal. Sinamantala ko ang kahinaan ng babaeng ipinagmamalaki kong mahal ko.
Sigurado akong kinasusuklaman na ako ni Sabrina ngayon dahil kahit sa sarili'y ganun din ang nararamdaman ko.
Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko pero kailangan ko pa ring humingi ng tawad sa kanya. Kahit habang-buhay akong humingi ng tawad sa kanya ay gagawin ko. Kung ipapakulong niya ako ay buong puso ko ring tatanggapin 'yon.
I have to face the consequences for what I've done.
Iyon ang dapat kong gawin.
Tumayo ako para puntahan siya sa kwarto ko pero wala na akong nadatnang Sabrina dun. Tanging ang pulang mantsa sa kubre kama ang naiwang bakas ng ginawa ko na siyang lalong nagpatindi sa guilt ko.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto para hanapin siya baka sakaling maabutan ko pa siya. Pero naikot ko na ang buong subdivision ay wala akong nakita ni anino niya. Pinuntahan ko rin siya sa bahay nila pero wala pa ring tao doon.
Nasipa ko na lang ang trash bin na nasa tapat ng bahay nila sa sobrang frustration.
Halos araw-araw akong nagpabalik-balik sa bahay nila sa pagbabaka-sakaling makita ko uli siya pero mukhang umalis na sila. Wala naman akong kakilalang kamag-anak niya na pwede kong pagtanungan kung saan siya nagi-stay.
Isang linggo matapos ang pangyayaring iyon ay ipinasok na ako ni mommy sa seminaryo. Alam kong hindi ako karapat-dapat na mag-pari dahil isa akong makasalanan pero pakiramdam ko'y mas kailangan ko 'yon, kailangan kong maisalba ang kaluluwa ko at mabawasan kahit papa'no ang kasalanan ko.
Kahit nasa loob ng seminaryo ay hindi ako pinatahimik ng konsensiya ko. Dala-dala ko ang bigat sa dibdib ko at hindi ako matatahimik hanggat wala akong natatanggap na kapatawaran mula sa kanya
***
Mahigit tatlong taon akong namalagi sa seminaryo hanggang sa napilitan akong lumabas dahil nagkasakit si Mommy. Na-depress siya ng malamang may ibang babae si Daddy.
Sa paglabas ko ng seminaryo, isang bagay lang ang gusto kong gawin.
To find Bing and ask for her forgiveness.
End of Flashback
"When I went to one of Dad's club few weeks ago, I saw your picture on the catalog." Pagpapatuloy ko. "It was like an answered prayer. I didn't want to waste time so I booked you that night. I wore the same style I was wearing when I was still 'Tan-tan, sakristan' sa pag-aakalang makikilala mo ako. I was disappointed and happy at the same time when you didn't recognize me. I was disappointed dahil hindi mo man lang ako nakilala. I was happy dahil makakasama kita ng hindi ka namumuhi sa akin. I didn't have any courage to tell you so I tried to make you remember by wearing the same thing."
Tahimik lang si Sabrina sa buong duration ng pagsasalaysay ko at nakayuko pero patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.
I wanted to touch and comfort her pero hindi ko alam kung anong nararamdaman niya pagkatapos niyang marinig ang lahat. She's probably hating me now. Maybe she's regretting that she loved me.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
Fiksi Umum"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...