Chapter 23

17.9K 421 7
                                    

Chapter 23

"Baby, are you ready?" Tanong ni Christian sa akin mula sa labas ng kwarto.

"Yep! I'm coming!"

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon bago na-satisfied sa itsura ko. Naka-beige fitted blouse lang ako at skinny jeans na tinernohan ko ng nude pump heels. Kitang-kita tuloy ang kurba ng katawan ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at nag-apply ng light make-up.

Inaya niya akong pumunta sa farewell party na in-organize ng mga ka-workmate niya para sa kanya na gaganapin sa isang bar. Last day na kasi niya bukas. 8pm pa naman ang meeting time kaya may 30 minutes pa kami.

Bumalik na uli kami dito sa condo kaninang umaga dahil nandito pa ang mga damit namin. Sabi ni Christian, sa susunod na araw, doon na kami titira sa bahay namin at hindi na ako papasok pa sa trabaho.

Namin.

Napangiti ako. Ang sarap sa pandinig.

Ang sarap ulit-ulitin ng mga nangyari kagabi kung saan siya nag-propose sa akin. Gusto kong i-rewind at i-play ng paulit-ulit. Hanggang ngayon pakiramdam ko'y naka-high pa rin ako. Pakiramdam ko'y di pa rin tuluyang nagsi-sink in ang lahat sa akin. Malapit ng matupad ang dating pinangarap ko. Ang maging Mrs. Sabrina Cosio.

"You're really beautiful, baby." Ani Christian sa akin ng lumabas na ako. Naka-light pink polo shirt ito at dark jeans. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko kahit anong isuot niya. Buong paghanga niyang pinagmasdan ang kabuuan ko. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Alam kong simple lang ang suot ko pero pakiramdam ko'y ang garbo dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"And so are you!" Nakangiting sabi ko at kumapit sa braso niya. It still flatters me kapag pinupuri niya ako.

"Let's go?"

"Let's go!"

On time kaming nakarating sa bar na pagdadausan ng party kahit medyo na-traffic kami sa daan. Sinalubong kami ng waitress at iginiya kami sa isang VIP lounge matapos sabihin ang pangalan ni Christian.

Pagkapasok namin ay agad siyang sinalubong ng mga katrabaho niya. Nasa likuran niya ako kaya hindi agad ako napansin.

"Christian! Buti nakarating ka!" Bati ng isang lalaking naka-eyeglasses din at medyo nakakalbo na. Kinamayan siya nito.

Tumawa lang si Christian at nakipagkamay sa iba pa niyang mga kasama. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakakataba ng puso dahil proud na proud niya akong pinakilala sa lahat. Limang babae at anim na lalaki. Wala akong gaanong natandaan sa lahat ng pinakilala niya maliban sa lalaking naka-eyeglasses na Michael ang pangalan at sa isang babaeng masama ang tingin sa akin kanina pa, si Bianca. Hindi ko alam kung ang masikip niyang dress ang problema o sadyang hindi niya ako gusto.

The feeling is mutual, bitch!

Sa kasamaang palad, siya pa ang katabi ko. Halata ko ang flirty gestures niya sa boyfriend ko at sadyang pinangangalandakan ang naghuhumiyaw nitong cleavage.

Hmp! Halata namang fake boobs lang!

Napansin kong pinagtatawan nila si Christian bago sila titingin sa direksiyon ko.Is it because of his get-up o dahil sa akin? Alam ba nila ang dati kong trabaho?

Bahagya akong nakaramdam ng insecurity. Ang gaganda kasi ng mga damit nila, pang-sosyal. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako nag-dress para hindi naman ako mukhang chipipay sa harap nila.

Hindi maganda ang vibe ko sa kanila at wala din ako sa mood makipag-plastikan kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko para may ibang pagka-abalahan kesa makinig sa chismisan nilang walang kakwenta-kwenta. OP na OP ako dito. Panay ang tanong ni Christian kung ok lang ako pero panay ngiti at tango lang ang parating sagot ko. Maya-maya'y narinig ko ang most annoying voice I've ever heard in my entire life kaya natigil ako sa ginagawa ko at napatingin dito.

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon