𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 1

218 11 0
                                    

"Zhandria Alejandra Castillo Gumising kana! Aba'y tanghali na!" Bungad agad ang sigaw ni nanay dahil tanghali na ay tulog pa ako, pagmulat ng aking mata ay ramdam ko agad ang sakit ng aking ulo ng dahil kagabi, nag kaayan kasi ang mga tropa namin ng inom kaya habang pauwi ako galing sa palengke ay naabutan ako ng tagay. 

Ako ang nagsasara ng maliit na gulayan ni inay sa palengke tuwing weekends may pwesto kasi ito doon na inuupahan, doon din kami kumukuha ng pangangailangan namin sa pang araw araw, dalawa lang kami ni inay ang magkasama sa buhay dahil ang magaling kung ama ay sumama sa babae nito. 

Naghilamos lang ako at mumog bago bumaba naabutan ko si nanay na nagbibilang ng mga kinita nito, hindi naman kami ganon hirap sa financial dahil, scholar naman ako, at tanginang kuryente lang at upa, pagkain at baon ko sa araw araw ang pinag kakagastusan ni nanay. 

"Oh Ria buti naman at gising kana, ikaw muna ang tumao sa palengke anak at mamimili ako sa kabilang bayan ng ipapanindang gulay natin" Mahabang sabi nito na busy parin sa pagbibilang ng kita niya.

Tumango lang ako kahit at dumiretso na sa kusina para kumain at makaligo. 

Napalingon ako ng may sumitsit sa akin, pauwi na ako galing school, ng makita ko ang sumitsit sakin ay agad akong napangiti dito, alam kona ito magsusunog na naman siguro ang babae nato ng atay niya. 

"Alam kona yang pag sitsit mo sakin saan ba?" Tanong ko dito. "Naks! Kaya bestie kita eh! Don tayo kila mark" masayang sabi nito, umakbay naman ito sakin at sabay kaming naglakad sa sakayan papuntang burgos kung saan ang bahay ni mark. 

"Teka nga Ria!" Malakas na tanong nito na akala mo ay nasa kabilang jeep ako sa lakas ng boses. "Te ano ba hinaan mo naman yang boses mo akala mo naman napaka layo ko sayo" ani ko dito at napabungisngis lang ang bruha. 

"Ito na nga may chinichismis si aleng tetang ha! Sino yung kasama mong lalaki daw?" Takang tanong nito sakin, kaya napaisip naman ako kung sino iyon "Huh? Gago sino?" Takang tanong ko din dito, "Hay nako! Hayaan mo na nga siguro ay inggit lang yun sayo, kasi yung anak nya panget" ani nito sabay halakhak, kahit kailan talaga wala siyang magawa sa buhay. 

Matagal ko ng kaibigan si Shanelle o Shasha kung tawagin kasama ko ito sa lahat saya man o kalokohan kahit kalungkutan ay kasama ko ito, pano pa naman ay simula ata ng nasa sinapupunan palang kami ay magkasama na kami, magkaibigan kasi ang nanay ko at mommy ni shasha, magkapitbahay lang din kami noon, lumipat lang sila ng nag collage na ang kuya nito at sya naman ay highschool.

"Yun oh! Kala ko Ria,Sha dina kayo pupunta eh! Magtatampo talaga ako sainyo mga 100years ganon" salubong samin ni Mark pagbaba namin ng jeep dahil nag pasundo kami dito. 

"Gago" Sabay naming sabi ni Sha kaya nagtawanan nalang kaming tatlo. 

"Happy birthday bugok" Bati ni Shasha dito at nakipag fist bump pa dito. "Happy birthday mark" masayang bati ko dito at ngumiti naman ito sakin. 

"Tara na kanina pa simula tagal nyo" Ani nito at nauna ng maglakad samin. "Hoy bugok ayusin mo lang na mapapasuka mo kami ha!" Sigaw ni shasha dito, lumingon naman ito at ngumisi "Gusto mo umiyak ka pa nga eh" Pang aasar naman nito kay Shasha kaya  ayun nag asaran na ang dalawa habang nakasunod lang ako sa mga ito. 

Hindi ko totally na kaibigan si Mark si Shasha talaga ang may kaibigan dito pero dahil kasa kasama ako ni Shasha ay medyo naka close ko narin ito. 

Pagpasok namin sa bahay nila Mark ay narinig ko agad ang ingay non sa loob halos sampu lagpas ang mga kabataan na katulad namin na andito ngayon, up and down ang bahay nila mark hindi ganon kagandahan. pero matatawag naman na bahay. 

"Ayos! Humabol talaga sila oh!" Sigaw ni Che-che samin ng makita kami nito, nakipag fist bump dito si Shasha kaya ganon din ang ginawa ko, halos lahat ng naroon ay nakipag fist bump kami. 

Ng may lumabas galing kusina ay nakilala ko ang mga ito si Junior at Vincent iyon. Kaya nakipag fist bump din ito samin. Ng kay Vincent na ako nakipah fist bump ay nailang agad ako dito dahil sa lagkit ng pagkatitig nito sakin, simula ng makilala ko ito ay ilang na ilang ako dito dahil sa paraan ng pagtitig nito sakin. 

Aaminin kona may istura si Vincent pero hindi ganong lalaki ang tipo ko, kahit naman loloko loko ako ay naghahangad parin naman ako ng matinong lalaki. 

Nagsimula na ang inuman at nakikipag kulitan na si Shasha sa iba,paminsan minsan ay sumasabay ako pero minsan ay nakikinig lang din sa mga kalokohan nila. Kaya't sobrang ingay ng bahay nila Mark pero wala naman nag sisita dahil nga sa kaarawan naman nito. 

Halos alas sais na ng gabi nagsimula ng dumilim ang kalangitan pero ang mga kasama ko ay normal parin, parang walang mga nalalasing kahit si Shasha ay energetic parin. Medyo nahihilo na ako kaya tumayo ako para pumuntang banyo para maghilamos. 

Pagpasok ko sa kusina ay madalawang  tao na naroon may LQ ata ang mga ito, ng nakita ako ng mga ito ay tumahimik sila bigla, diresto lang naman ako at sa gilid ng babae na  akala mo ay clown sa sobrang kapal ng make up nito sa mukha. 

"I have to go now" Matigas ang boses ng lalaki masarap iyon sa tenga dahil lalaking lalaki ang boses nito. Hindi ko din naman napansin ang itsura ng lalaki dahil iyong babaeng clown lang ang tinignan ko pero wala naman akong pake alam sakanila kahit mag restling pa sila no!. 

"Why? Bakit?" Pabebeng boses na sagot naman ni clown sa shota nito natawa naman ako dahil english na tagalog pa ang sagot nito hanep. 

Ng makalabas ay dire diretso nakong bumalik sa sala at di na sila pinag tuunan pa ng pansin. 

Halos alas nuwebe na natapos ang kasiyahan kaya pag uwi ay bagsak agad ako sa higaan ko. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ako ulit ang tatao sa pwesto namin, maagang umalis si inay  dahil namimili ito ulit ng panindang gulay.

"Nay pagkano daw itong sitaw" tanong ko kay nanay dahil kasama ko ito sa palengke. 

"Kinse daw po ate" Ani ko dito, at inabot naman nito ang bayad niya. 

"Pagkano po ang kilo ng broccoli" Tanong ng lalaki kay inay kaya't napalingon naman ako dito, kaboses iyon ng boses ng lalaki na nasa kusina nila Mark nong birthday niya. 

"Ay nako ijo two hundred fifthy ang  kilo niyang broccoli dahil nagmahal talaga iyang gulay na iyan" mahabang sabi ni inay sa lalaki. 

Naguusap sila ni inay at dahil nga wala na akong costumer ay pinag masdan ko muna ito, matangakad ito siguro ay lagpas 5'8 ito, maputi, makinis din ang balat nito balbon lang ito kayat makapal ang buhok sa binti, perfect naman ang pagkatangos ng ilong nito, at makapal din ang mga kilay, at pulang pula ang labi nito, foreign look ito, at sa kulay din ng mga mata nito na kulay abo ay may lahi talagi ito. Naka sumbrero ito at jacket na gray hanggang tuhod ang basketball short nito pero para sakin ay pogi ito mabango din kaya ito tanong ko sa isip ko.

"Beh panyo oh! yung laway mo tumutulo na eh" Malakas na sabi ni Nelly sakin, tumawa din ito ng malakas kaya napatingin samin si inay at yung lalaki. 

Shit nakakahiya tumingin sya sakin kaya agad akong pumasok sa loob ng tindahan ni nanay at nagtago. Narinig ko naman ang kantyawan ng mga katabi namin at si Nelly nakikitawa narin si nanay sa kanila. Siguro ay nakaalis na ang lalaking iyon. Kainis naman bakit kasi tinitigan ko yun? sabi ko dedescribe ko lang eh kahiya. 

Pagkatapos non ay hindi ko na muli pang nakita ang lalaki na iyon na bumili sa palengke o kay inay. 



Thank you for reading :) 
A/N: can you please read and support my stroy thankyou. 

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon