𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 5

76 8 0
                                    

Lilingon sana ako kay Kyo dahil nasa likod ko ito, pero nagulat ako na nasa tabi ko na pala ang lalaki at chill lang na naglalakad. 

"Ah Kyo, Congrats pala kanina ang galing nyo" Dire diretso kong sabi, Tumango lang ito sakin. 

"Do you think I'm good enough?" Kyo seriously questioning me, "Of course Kyo, ang galing mo kaya kanina promise" masayang sagot ko dito, totoo naman dahil magaling ito mag gitara, "Okay, sabi mo eh" Seryoso paring sabi nya. 

"Bakit hindi kaba naniniwala?" Tanong ko dito dahil parang hindi ito naniniwala sa sagot ko. "Nope" Maikling sagot nya. 

"We hindi nga kyo, totoo nga talaga yung sinabi ko magaling talaga no, magaling ka para sakin kyo" Sabi ko habang naglalakad, tumigil naman ito sa paglalakad kaya nagtaka ako at tinignan ito. 

"What are you saying woman?" Seryosong tanong pa din nito. "Huh? Ano bang sinabi ko?" Inosenteng tanong ko din dito. May sinabi bako mali kanina. 

"Sabi ko lang naman kyo na magaling ka para sakin" Ulit kopa, bigla naman itong naglakad at nauna sakin kaya nagtaka ako may mali ba sa sinabi ko?

Naglakad na din ako pasunod dito, ang weird naman nya. Wala naman akong sinabing masama. 

Ng matanaw kona ang cluster namin ay tinawag kona si Kyo. "Kyo dito nako" paalam ko dito. "Ingat ka Kyo" kaway ko dito, "Yeah" yun lang ang sagot nya at dire diretsong naglakad. 

Galit ba sya? Bakit bigla nalang sya nag kaganon. Ay ewan. Tatanungin ko nalang sya sa lunes siguro. 

Maaga akong nagising dahil sa ingay sa baba araw ng linggo ngayon. 

Naabutan ko si Nanay nakausap si Tita Shella ang mommy ni Shasha at Kuya Shan, umiiyak ito habang kausap ni nanay anong nangyari. 

Nakatalikod ang mga ito kaya hindi nila ako napansin na bumaba, agad naman akong pumunta ng kusina para maghanap ng makakain. 

"Mahal ko sya Rina" hagulgol ni Tita She, "Pero bakit nya sakin nagawa iyon? may pagkukulang ba ako bilang asawa at ina ng mga anak nya?" Sabi pa nito habang umiiyak, "Shh, wala She ano ka ba" sagot ni nanay dito. 

Matagal nang magkaibigan si nanay at tita she simula pa ng elementary days nila, lima daw sila sabi ni nanay pero talagang dalawa nalang silang nag dadamayan ngayon. 

Naghahanda naman ako ng makakain ko ng biglang  nag beep ang phone ko. 

Bestie:

Hiwalay na si mommy at daddy. 

Umiiyak parin si tita she, kaya pinapagaan ni nanay ang loob nito at binibigyan ng advice. 

Naawa ako kay tita shella mabait naman ito maalaga at maalalahaning ina at asawa kaya akala ko talaga totoong masayang pamilya ang meron sila. 

May pera sila at hindi hirap sa buhay nabibigay din nila ang mga pangangailangan ni Shasha at Kuya Shan pero sa kabila pala non ay hindi naman pala talaga sila masaya. 

Nag beep ulit ang phone ko kaya tinignan ko iyon. 

Bestie: 

Inom lalabas lang ng sama ng loob. 

Me:

Sige

Bestie:

Kila mark maya see you. 

Pagkatapos kumain ay agad akong naligo, pagbaba ko ng kwarto ay wala na si nanay at tita shella, umalis ang mga ito. 

Nilock ko nalang ang bahay at umalis papunta kila mark. Pagdating ko ay nakita ko agad si Shasha sa loob nakaupo ito sa sofa at tumutungga ng alak. 

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon