Mabilis lang lumipas ang araw, senior high na ako, at ang good news pa nyan ay iisang school lang ang pinasukan namin ni Shasha at Mark. Masayang masaya naman ako dahil may kasama na ako.
"Girl!" Sigaw nito at kumakaway pa ng makita ako, nasa isang bench ito nakaupo malapit sa gate. Inaabangan talaga siguro ako nito.
Hinahanap na namin ang room namin dahil magkaklase din kami. "Te, dito tayo wag tayo masyado sa harapan alam mo na di brainy ang beshie mo" At humagikgik naman ito. Tumango nalang ako dito at tumabi sa tabi niya.
Naglabas ako ng notebook at ballpen dahil baka dumating na ang first teacher namin, "O,M,G dito rin kayo?" Tili ni Shasha kaya nagulat ako dito. Lumingon naman ako sa pinto at nakita kung sino ang mga andoon.
Vincent,Mark,Junior,Chenea, hindi ko kilala ang isang babae na kasama ng mga ito, at ang mag kinagulat ko pa dahil kasama din nila si Kyo. It's mean na kaklase din namin ito.
Kumaway naman si Shasha kay Che-che dahil may dalawang upuan pa sa tabi ko at tinuro nito iyon, ngumiti naman si Che-che at agad hinila ang babaeng kasama nito papunta samin.
Nasa likod naman sila Mark dahil don nalang ang upuan na bakante. Nilingon ko naman ang mga ito upang tignan kung saan uupo si Kyo,katabi ito ni Vincent sa dulo ito malapit sa bintana tumingin naman sakin si Vincent at kumaway sakin, nag iwas lang ako ng tingin dito dahil naiilang parin talaga ako sakanya.
Halos puro pagpapakilala lang ang ginawa namin ngayon araw dahil first day of school, Maingay naman si Shasha at Che-che nakipag palitan pa nga ng upuan sakin si Shasha para makapag daldalan sila.
"Gagi anong balak niyo sa uwian?" Tanong ni Junior saming lahat. "Diko alam pre ano tagay ba?" Sagot ni Mark dito.
"Hep! Hep! Paawat kayo first day palang ng pasok" Sabat naman ni Che-che sakanila. "Agree! mga bugok kayo" Sigaw naman ni Shasha, "Ikaw girl balak mo sa uwian?" Tanong ni Che-che sa kasama nito, pero balikat lang ang gumalaw dito at ang sabi ay parang ewan.
Tahimik lang ako sa tabi nila at nag sscroll lang sa fb, hindi ko rin naman alam gagawin ko sa uwian siguro ay didiretso nalang kay inay sa palengke.
"Oh kainin mo" Napaangat naman ako ng tingin sa lalaking nag abot ng pagkain sakin, tinaasan ko lang ito ng kilay, "Hoy ano yan Vicente ha bat may paganyan?" Magligalig na tanong ni Shasha ng mapansin nito iyon. Nginisian lang naman ang sagot nito sa babae.
Puro kantyawan naman ang narinig ko sakanila pero hindi ko pinansin iyon, si Shasha na din ang tumanggap ng pagkain at wala namang angal si Vincent dahil alam nito ang ugali ni Shasha.
Ng makita kung wala si kyo sa tinambayan namin ay, agad itong hinanap ng mga mata ko, Nakita ko itong kasama ang babaeng mukhang clown, hindi parin nag babago ito mukha parin itong clown. Siguro ay girlfriend nga ito ni Kyo.
Puro pag papa cute ang babae kay Kyo kahit na seryoso ito at di pinapansin si clown, Napaisip nalang ako bigla bakit naman sa daming babae dito bat mukhang Clown pa ang natipuhan nya?.
"Selos yarn?" Pukaw sakin ni Shasha agad naman akong umiwas ng tingin kila Kyo at inirapan si Shasha. Tumayo nalang ako at mag ccr nalang.
"Hoy te! joke lang yun" sigaw naman ni Shasha pero hindi kona iyon pinansin pa.
Nauna nakong umuwi dahil gagala pa daw sila sinabihan pa ako ni Shasha na kj kasi ang aga kong uuwi.
"Nay ako napo dyan" sigaw ko kay nanay dahil bubuhatin nito ang gulay na idiniliver sakanya.
"Ano kaba Ria anak kaya koto! hindi pa naman ako matanda no" pagpupumilit nito, ng matapos bumili sakin ang costumer kanina ay tinulungan kona si nanay mag buhat ng gulay, alam kong di pa ito ganon katanda pero alam kung pagod ito dahil madaling araw palang ay nag ta trabaho na ito.
BINABASA MO ANG
Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETED
Romancea love deserve a second chance? Kyo and Zhandria.