𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 2

122 9 0
                                    

Isang  buwan na ang lumipas at hindi kona muli pang nakita ang lalaki na iyon, hindi ko naman siya hinahanap wala lang poging pogi lang ako sakanya. 

Nakatulala ako ng mag beep ang phone ko kaya tinignan ko agad iyon. 

Bestie:

kila mark maya sunduin kita maya mwuap! 

Me:

Sige. 

Itong babae nato hindi nya talaga ako nakakalimutan kapag may inuman. Naligo na ako dahil alam ko mayamaya ay andito na ang bruha na iyon.

Nag suot lang ako ng tshirt na itim nagsuot lang din ako ng maong na short, simple lang ako mag suot di tulad ni Shasha na naka croptop o kaya maganda ang outfit pag may pupuntahan ito. 

Nilugay ko lang din ang buhok ko mahaba ito na kulot sa bandang dulo, parehas kami ng haba ng buhok ni Shasha pero bagsak ang buhok nito. Nag lagay lang din ako ng tint at pulbo dahil di naman ako sanay mag lagay ng make up. 

Pagtapos ng 30minutes ay andito na si Shasha maingay ito ng pumasok sa loob namin mabuti nalang at wala si inay dahil nasa palengke ito. 

"Girl let's go na bilis!" Maligalig na sabi nito at hinila ako palabas ng bahay, Nilock ko muna iyon at sumunod na kay Shasha. 

"Hoy Mark put*ngina m* lumabas ka dyan" Sigaw ng lalaking nasa harap ng bahay nila mark may umaawat ditong dalawang lalaki pero galit na galit ito. 

"Omg! anong nangyayari?" pakiki chismis ni Shasha ng makarating kami sa bahay nila Mark. 

"Halah kuya nya yan diba?" Lumingon sakin si Shasha at nagtanong. "Ewan ko te diko naman kilala kapatid ni Mark" sagot ko naman dito. 

Akala ko ay only child lang ito si mark may kapatid pala ito pero bakit galit na galit ito?

"Tara girl ikot tayo don tayo sa likod dumaan may susi ako" sabay kindat nito sakin at hinila ako papunta sa likod ng bahay nila Mark. Nagpatianod nalang ako dito dahil diko din naman alam ang daan. 

Pagbukas ng pinto ay andon sila lahat kahit sila Vincent ay andon at nasa pinto, sumisigaw parin ang kapatid ni Mark sa labas. Bumaba si mark may kasunod itong babae. Tinitignan ko ang babae at halata sa mukha nito ang takot.

"Hala! Gago! For real?" Sigaw ni Shasha nagulat ako dito nakatingin din pala ito sa babae. "Bakit? Anong meron?" Tanong ko dito. Pero nasa dalawa parin ang atensyon nito. 

Bigla nalang nagkagulo sa loob dahil nasira ng kapatid ni mark ang pinto at sinugod sya nito. Pero mas nagulat ako sa lalaking lumabas sa kusina, hindi ako nakagalaw, bakit sya andito?. 

"Girl! Tabi!" Sigaw ni Shasha dahil sobra ng  nagkakagulo pero hindi parin naalis ang atensyon ko sa lalaking nasa pinto ng kusina. 

Nahimasmasan na lang ako ng may biglang humila sakin pagkita ko ay si Vincent iyon nakakunot ang noo nito. "Dito ka lang baka madamay ka" seryosong sabi nito at siniksik ako nito sa gilid nakita ko si Shasha na nasa kabilang gilid din at nanonood sa mga nagkakagulo. 

Halos sugatan si Mark dahil hindi ito tinigilan ng kapatid nya kakasunutok, hindi ko pa din alam kung ano bang nangyari dahil hindi naman sinabi sakin ni Shasha. 

Hindi ko rin alam na Boxing pala pinuntahan namin hindi Inuman. 

Natapos lang ang gulo ng may barangay na pumunta at dinampot ang kuya ni Mark, sinugod naman si mark sa hospital dahil andami nitong sugat. At pumutok din ang ulo nito dahil siguro sa paghampas sakanya ng kuya nya. 

"Uwi na tayo te!" Yaya sakin ni Shasha ng kami kami nalang ang naiwan. Tinignan ko sya ng masama "Oo na ichichika ko sayo mamaya! Libre din kita Street food" sabay hatak sakin. Hindi ko narin nakita ang lalaki nayun dahil sa gulo kanina bigla na lang din ito nawala.

Nakaupo kami sa bench sa isa dito sa food court nag order lang kami ng pagkain sa foof cart na isa dito, bumili din kami ng kwekkwek, fishball at mango shake. 

Ng dumating na ang inorder ni Shasha ay kumain na kami. Nagutom din ako kanina ha!. "Ito na nga te! Yung girl kanina is jowabels nung kuya ni Mark" Pag kwento nito. "Tapos may gusto kay Mark yung girl landi diba!" Sabi pa nito nakikinig lang ako sa kanya habang lumalantak ng piattos na binili din nito. "Tapos alam ko may something sakanila kaya ayun siguro nalaman ng kuya niya kaya ayun nag amok jusko!" Na sstress pa nitong sabi. 

"May tanong ako te?" tanong ko dito "Sige te may sagot din ako gooo!" sagot nito at hinabaan pa talaga ang go nito, Parang tanga lang. 

"Kilala moba yung lalaki na nasa kusina kanina?" Tanong ko dito, nag isip ito agad "Sino don? Apat silang andon kanina gaga" Ani nito sakin. 

"Yung mukhang foreigner te" Sabi ko sakanya ang napangisi naman ang bruha, "Si Kyo Theoden Devis yun te! Bakit type mo no?" Pang aasar naman nito sakin. 

"Foreigner nga yun te, kaso lang di sya kilala ng ama nya nabuntis lang daw kasi yung nanay nya kaya yun, tsyaka wag ka don girl babaero yun!" mahabang sabi nito, tinuktokan ko naman sya dahil sa lakas ng boses nito. "Wala naman akong sinabi na type ko yun gaga ka talaga" sagot ko dito at inirapan sya. 

Dinalaw namin si Mark sa hospital ni Shasha tinignan lang namin ito kung buhay pa, at ayun buhay pa naman. 

Muli ko ding nakita si Kyo sa hospital seryoso lang ito kahit na nagaasaran ang mga katabi niya. 

At sa bawat araw na lumilipas ay gustong gusto kong makilala ang kyo na iyon hindi naman sa na ga gwapuhan ako sakanya kundi curious lang talaga ako dito. 


Thank you for reading :) 
A/N: can you please read and support my stroy thankyou. 

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon