𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 25

77 6 0
                                    

Apat na araw ng wala si Kyo, hindi naman ito nakalimot tumawag at mangamusta araw araw.

Dinadalaw naman ako paminsan minsan ni Shasha, wala pa rin alam si Nanay sa nangyayari sakin sa batangas dahil sinabi ko kay Shasha na wag sabihin ito dito.

Nag crave ako sa spaghetti na may maraming, mushroom kaya nagluto ako. Hindi ko alam ang nangyayari sakin, lagi akong nag ca crave ng kung ano anong pagkain.

Palagi rin akong tinatamad kahit sa pagligo, napatigil ako sa paghahalo ng spaghetti sauce ng may marining akong pumasok na kotse sa garahe.

Bumangon naman ang pag asa ko na baka si Kyo na iyon. Agad kong inoff ang stove at gas, para salubungin ito.

Paglabas ko ng kusina ay saktong pagpasok ni Catherine. Agad ako nitong sinampal kaya napahawak ako saking pisngi.

"Dito ka lang pala naglulungang ahas ka" Galit na sigaw nito at hinala ang buhok ko. Mas matangkad sakin si Catherine kaya, kayang kaya ako nito.

"Inagaw mo sakin si Kyo" Sigaw nito, sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa buhok ko kaya masakit sa anit iyon.

"You destroy my wedding, you destroy my family, my child, lost his father because of bitch like you" Galit na galit na sabi nito at malakas akong tinulak sa gilid ng sofa.

Hindi ako nakapiglas dahil mas malakas ito sakin, sobrang sakit ng naramdaman ko dahil sa pagtulak nito.

Lumapit ito sakin at tinadyakan ako, namumula ang mga mata nito at halatang nakainom.

"Tama na Catherine please" Sabi ko at tinatakpan ang katawan ko.

"You deserve this, kulang pa yan sa ginawa mong paninira samin" Sambit nito at hinala ulit ang buhok ko, sinabunatan ako nito at kinalmot.

Napahiga nalang ako sa sahig, halos mawalan ako ng lakas dahil sa ginawa nito, naramdaman ko ang pagsakit bigla ng puson ko, ng lingunin ko ang hita ko ay may dugo dito.

"Your bleeding" Takot na sigaw ni Catherine, nagpapanic akong tumingin dito. Hindi ko alam na meron ng laman ang tyan ko, panay ang hilab nito, kaya naiiyak na'ko at natatakot.

"Help me Catherine, please take me to hospital ang anak ko" Naiiyak kong sabi, Hindi naman mag kaugaga ang babae, inalalayan ako nito hanggang sa kotse nito.

"Save my child please" Pagmamakaawa ko dito. "Kapit lang anak please wag mokong iiwan" Pagkakausap ko sa tyan ko, masakit pa rin iyon.

Mabilis ang pagdi drive ni Catherine may malapit na hospital dito kaya, ligtas naman kaming nakarating at naisugod nyako agad.

Puting silid ang bumungad sakin pag mulat ng mata ko, may nakaturok din saking dextrose, wala nakong sakit na naramdaman. Napaluha nalang ako ng maalala ang batang nasa sinapupunan ko.

"You're three weeks pregnant" Ani ng doctor na tumingin sakin.

"The baby is safe but, at dahil sa nangyari ay naging sensitive ang pagbubuntis mo misis" Saad pa nito, nakikinig lang ako dito. "You need a bed rest, until you give birth" Dugtong pa nito.

Wala ako sa ulirat dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko, buntis ako pero hindi ko manlang iyon napansin.

"And especially don't stress your self, masama para kay baby." Ito ang huling sabi nito bago, umalis sinabi din nitong magpahinga ako.

May niresetang vitamins ito sakin na iinumin ko para lumakas ang bata sa sinapupunan ko. Pinunasan ko ang luha na pumatak saking mata ng may narining akong pumasok saking silid.

Si Catherine iyon, magulo ang buhok at damit nito, umupo naman ito sa upuan at yumuko.

"I'm sorry, hindi ko alam nabuntis ka" Hikbing nitong sabi.

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon