Tatlong araw din nakaratay si Hunter sa kama, wala pa rin akong alam sa nangyari dahil wala naman silang balak sabihin sakin.
Anim kami ngayon na nasa hapag kainan, chicken curry at vegetable salad ang niluto ko dahil yung ang trip ko.
Hindi naman mabigat ang atmosphere sa kitchen ngayon dahil marami kami at maingay si Wayne at Jhermi kasama din namin ang Doctor na si Cali pinansin ito ni Kauis.
"Damn, can you stop talking your so annoying" Iritang sabi ni Kyo kay Wayne dahil daldal ito ng daldal.
"Bro kapag hindi ako nagsalita mapapanis laway ko" Pambabara nito kaya mas lalong nairita dito ang lalaki.
Natawa naman ako dahil parang aso't pusa talaga itong dalawa kahit noon pa.
"Ria swimming ulit tayo" Yaya sakin ni Wayne kaya napatingin ako dito, nakangisi naman ang lalaki habang nakatingin kay Kyo na nakayuko.
"Ayoko ikaw na lang" Pagtanggi ko dito agad naman nawala ang ngisi nito, tumingin naman ako kay Kyo at ito na ang nakangisi ngayon.
Napatingin naman ako sa lalaking kababa lang, nakapamulsa ito at huminto sa harap namin.
"He's awake" Ani nito, si Hunter ang tinutukoy nito.
"Good news" Sagot ni Kauis dito, tumayo naman ang lalaki at nag inat.
Nag sitayuan na din ang lahat pati si Kyo, seryoso naman itong lumingon sakin at nagtama ang paningin namin.
"Stay here, woman" Malamig na sabi nito at naglakad paakyat ng second floor.
Nakatingin lang ako sa bulto nito hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Sumunod na din ang mag pinsang Kauis at Cali dito. Si Wayne naman at Jhermi ay kakapasok lang ng bahay.
"Gising na daw si Hunter?" Agad na tanong ni Wayne, tumango naman ako dito. Umupo naman ito sa tabi ko kaya tinignan ko ang lalaki.
"Hindi mo sya pupuntahan?" Tanong ko dito, nakatingin ito sa taas kaya lumingon ito sakin.
"Hindi na muna." Maikling sagot niya, seryoso ito kaya nakakapanibago. Nagmamadali namang bumaba si Jhermi kaya napatingin kami dito.
"Hunter is looking for you bro, tara na" Sabi nito, pero hindi sumasagot si Wayne.
Agad naman nitong hinatak ang lalaki, magkasing tangkad lang ang dalawa at halos lahat sila ay mag kakaparehas ang pangangatawan.
"Bigat mo bro" Pagrereklamo ni Jhermi, nakaupo parin si Wayne na parang wala itong pake.
Malakas ko naman itong kinurot sa tagiliran kaya napatayo ito agad.
"Fuck, why did you do that?" Nanlilisik na tanong nito habang pangiwi ngiwi.
"Pumunta kana don, para kang others eh!" Bulyaw ko dito, napairap naman ito sakin kaya inirapan ko din to.
Wala ng nagawa si Wayne kaya sumama na ito kay Jhermi, akala nya naman kaya nya ang kamalditahan ko.
Naisipan ko nalang magluto at maglinis dahil importante siguro ang pinaguusapan ng mga lalaki dahil halos dalawang oras na silang nasa taas.
Ng matapos na lahat ang gawain ko ay naisipan kong umakyat na sa kwarto ko.
Pag dating sa second floor ay nakita ko ang l
puwang sa kwarto kung asan naroon sila Kyo.Nakita ko ang nakaupong si Hunter, nakatayo naman si Kauis at Cali habang kausap nila ang lalaki.
Magkasama naman si Jhermi at Kyo sa terrace magkausap din ang dalawa samantalang si Wayne ay nakaupo malapit sa mesa at tahimik.
"I'll kill that fucker" Sigaw ni Hunter, galit na galit ito bakas sa mukha nito ang sobrang galit.
BINABASA MO ANG
Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETED
Romancea love deserve a second chance? Kyo and Zhandria.