𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 6

76 7 0
                                    

Tinotoo ni kyo ang pag sundo sakin, at pag hatid na din. Kaya ng dahil don ay naging close nalang kami bigla nito. 

Si Shasha naman ay ramdam ko ang pag iwas nito sakin, Hindi ko pa sya natatanong about don sa lalaking iyon. At hinihintay ko parin na siya ang kusang magsasabi kung sino ba iyon. 

"Kyo!" Tawag ko dito ng makita itong naghihintay sakin sa labas ng cluster, paglapit ko ay agad naman nitong inabot sakin ang helmet at sinuot ko iyon. 

"Nag almusal kana?" Masayang tanong ko dito pagkaandar nito sa motor. "Yup, ikaw?" Tanong din nito sakin. "Oo naman" sagot ko dito, nakita ko naman itong tumango sa side mirror nito kaya ngumiti nalang ako. 

Pagbaba ay agad kong nakita si Vincent sa gate simula ng makita nitong lagi kaming magkasama ni Kyo ay ito na ang kusang umiwas sakin. 

"Naks! Ano na bang meron ha?" Pang aasar ni Mark ng makita nitong sabay kami pumasok ni Kyo sa room, nginisian ko lang ito, ano bang masama sa pag sasabay issue talaga. 

Napadako naman ang tingin ko sa upuan ni Shasha dahil wala pa ito, lagi nalang itong nalalate, pag pasok naman nito ay ngumingiti lang saakin. At pag tuwing break time ay agad agad itong nawawala. 

Sobra na akong nag aalala na ako dito, kaya napag desisyon kona mamaya ay kakausapin kona ito. 

Pag lingon ko kay Kyo ay nakatingin sakin ito, "Okay ka lang?" Seryosong tanong nito, ngumiti naman ako dito at tumango. 

"Sabay ka sakin sa canteen?" Tanong nito, dahil break time na namin, agad na naman na umalis si Shasha kaya hahanapin ko ito. Umiling naman ako dito "Kakausapin ko sya kyo" ani ko dito, tumango naman ito sakin at naunang lumabas. 

Napag desisyonan ko na pumunta sa kabilang building dahil alam kona dito si Shasha laging pumupunta. 

Pagakyat ay agad kong nakita itong nakakalong sa lalaki, kaya tinawag ko ito. "Sha" seryoso ang boses ko. 

Lumingon naman ito sakin ganon din ang lalaki. Lumaki naman ang  mata nito dahil sa gulat, Kaya agad itong umalis sa pagkakandong sa lalaki. 

Lumapit naman ito sakin at hinila ako pababa, Mahigpit ang pagkakahawak nito sakin kaya medyo nasasaktan ako.

"Ano ba Shasha bitawan mo ako" Mahinang sabi ko dito, lumingon naman ito sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit na tanong nito sakin. 

Kaya nagulat naman ako sa asta nito, "Ano bang nangyayari sayo Sha?" Mahinahon kung tanong.

"Palagi ka nalang late, tapos ramdam ko na umiiwas ka sakin, may problema ba?" Dire diretso kong tanong dito pero nakatingin lang ito sakin. 

"Wala Ria, walang problema" sagot nito sakin pero may biglang dumaan na lungkot sa mga mata nito. 

"Sinungaling ka sha" malamig kong sabi dito kaya nagulat ito. 

"Kung wala kang problema bakit, bigla kang nag iba?" Tanong ko dito pero umiwas lang ng tingin ito at binitawan ang pag kakahawak sakin. 

"Pwede ba Ria wag kana nga makialam sakin" Sabi nito at tumalikod. Aalis na sana ito ng bigla kong hatakin ang palapulsuhan nito. 

"Pwede ka magsabi Shasha kaibigan mo ako" pagmamakaawa ko dito. Pero bigla nitong inalis ang pagkakahawak ko sakanya. 

"Hindi kita kailangan Ria, andyan naman na sya na pwede kong sabihan at kaya akong damayan" sabi nito bago palayong umalis. 

Hindi ako makaalis sa pwesto, parang sinaksak ang dibdib ko dahil sa sakit non, naramdaman kong tumulo na ang luha ko. 

Hindi ko alam kung pano ako nakabalik ng room, nawalan ako ng gana, dahil sa nangyari samin ni Shasha. 

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon