Halos busy na ako sa school dahil mag fifinals na, binabalak na din na mag aral ni Shasha.
Nalaman na din ni Kuya Shan ang nangyari kay Shasha, kaya araw araw din itong nasa bahay para bisitahin si Haley.
Umupo ako sa tabi ni Shasha naguusap ito at si Kuya Shan, kalong naman ng lalaki ang pamangkin nito.
"Balak na ni mommy ibenta ang bahay natin" Seryosong sabi nito, nakikinig lang naman si Shasha dito.
"Saan naman kayo titira nyan Kuya kapag naibenta na ni Tita She yung bahay nyo?" Sabat ko dito nilingon naman ako nito.
"Babalik kami dito, sa dati naming bahay" Masayang sagot nito. Lumiwanag naman ang mukha ko ng dahil don.
"Talaga Kuya?" Sabi ni Shasha, tumango naman sakanya si Kuya Shan.
Balita ko na bakante parin ang bahay nila simula ng umalis sila sa lugar namin. Masaya naman ako dahil mas malapit na samin sila ulit.
Nakarecover na din si Tita She kaya pinapabalik na nito si Shasha sakanila, alam na din ni Tita She na may apo na ito kay Shasha, ng makita nito si Haley ay umiyak ito at nanghingi kay Shasha ng tawad dahil sa pagkukulang nito.
"Aalis kana ba talaga Sha?" Naiiyak na tanong ni Nanay dito.
"Opo tita" Sagot ni Shasha, malungkot naman na ngumiti si Nanay dito.
"Maraming salamat po Tita Rina, Ria sobrang laki ng naitulong nyo samin ni Haley, babawi po ako pangako" Sabi ni Shasha nakahawak ito sa kamay ni Nanay, ngumiti naman ako dito at tumango.
Dumating na si Kuya Shan dahil kukunin nito ang mga gamit ni Shasha at Haley.
Hinalikan ko muna si Haley, ganon din si Nanay, nakatawa naman ang bata kaya nalungkot ako dahil lilipat na ito.
"Mamimiss kita apo" Sabi iyon ni Nanay kaya pinangdilatan ko ito ng mata.
"Nay ang oa mo, nasa kabilang kanto lang naman sila" Sabi ko, natawa naman ang magkapatid na Shasha dahil don.
Kala mo naman sa ibang bansa lilipat sila Shasha, kahit nga tumambling ay makakarating ka sa bahay nila ang oa lang ni inay.
Pero nakakalungkot naman talaga dahil sanay kami na sa umaga ay iyak ni Haley ang maririnig namin, naging alarm na namin iyon. Halos anim na buwan namin kasama ang bata kaya nakakapanibago na mawawala na ang bata sa bahay namin.
Kumaway lang kami ni Nanay sa mga ito, kumaway din samin si Haley kaya mas natuwa ako dito.
Tahimik na ulit ang bahay namin, halos bahay eskwela lang ang ginagawa ko, si Nanay ay nag focus na din sa palengke. Dumadalaw naman kami minsan kay Haley at Shasha, bumalik na din ang babae sa pag aaral dahil pinag aral na ulit ni tita she.
"Anak kain na" Sigaw ni Nanay, may trabaho ako ngayon kaya sa kwarto lang ako nag tatambay.
Pagbaba ko ay nagulat ako dahil nakaupo si Kyo sa sala. Isang buwan itong hindi nagpakita ano namang hangin ang nagtulak papunta dito.
Dire diretso naman ako sa kusina, nararamdaman ko naman itong sumusunod sakin.
"Anong ulam nay?" Tanong ko at umupo sa upuan.
"Kare kare anak kain na, kain na din Kyo anak" Sabi nito sa lalaking nakatayo lang sa pinto ng kusina.
Umupo naman sa harap ko si Kyo seryoso ito, Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil nakatitig ito sakin.
"Can we talk?" Sabi nito seryoso pa rin ito.
"Para saan?" Tanong ko dito, nakatingin naman ito sakin.
BINABASA MO ANG
Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETED
Romansaa love deserve a second chance? Kyo and Zhandria.