𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 23

72 6 0
                                    

Tatlong buwan ang lumipas simula ng mapunta ako sa rest house ni Kyo, umiiwas ako sa lalaki dahil sa nangyari.

Naka recover nadin si Hunter kaya umalis na ito, pabalik balik nalang ang mga ito kapag may pag uusapan silang mag kakaibigan.

"Saan ko na nga ba inilagay yon" Tanong ko sa sarili at kumamot sa ulo.

Nahalungkat kona ata ang buong ref at mga kabinet pero hindi ko parin nahahanap ang hinahanap ko.

"Tabi kukuha akong tubig" Tabig sakin ni Wayne, sinamaan ko naman ito ng tingin. Gumilid naman ako para makuha nito ang pitsel.

"Ano bang hinahanap mo dyan?" Tanong nito at lumagok ng tubig sa sinalin nitong baso.

Hindi ko naman ito pinansin at nag patuloy pa rin sa paghahanap.

"Nakita moba yong nilagay kung pasas dito?" Tanong ko dito, gagawa sana ako ng macaroni salad, dahil nag cacrave ako don simula pa kahapon.

"Pasas?" Tanong nito kaya umuoo naman ako.

"Oo pasas" Sagot ko dito, pero hindi ito sumagot.

"Ito ba?" Ani nito kaya lumingon ako dito, lumaki naman ang mata ko ng makitang hawak nito iyon at nilalantakan.

"Bakit mo kinakain yan?" Sigaw ko dito, halos maubos na iyon. Hindi ko napansin na ito pala ang dala dala nito.

"Oh! Ito naman tinikman lang" Sagot nito at inabot sakin ang pasas na nangalahati na.

"Tinikman eh halos maubos na" Inis na sabi ko dito, pero ngumiti lang ito at kumamot sa batok.

Inirapan ko lang ito at tinalikuran, nawalan nako ng gana magluto siguro pag natakaman nalang ulit tsyaka ako gagawa.

"What happened?" Tanong ni Kyo ng makasalubong ko ito sa may hagdan.

Inirapan ko lang ito at tuloy tuloy sa pag akyat, hihilata nalang muna ako sa kwarto ko dahil tapos naman na ang gawain ko.

Nakaramdam ako ng antok kaya natulog ako, lately napapansin ko na sobrang moody at antukin ko feeling ko din palagi akong pagod at tamad na tamad.

Halos alas dos na ng madaling araw ako nagising, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba muna ako.

"I told you i don't care about your plan Kyst" Kyo angrily said, nanggagaling ang boses nito sa kusina kaya napahinto ako.

"Damn, watch your word fucker" Sabi pa nito, hindi ko naman marining ang pinag uusapan pero alam kong galit si Kyo sa kausap nitong si Kyst ano kayang nangyayari sakanilang dalawa.

Napag desisyonan ko nalang umakyat ulit siguro ay titiisin ko muna ang gutom hanggang sa umalis si Kyo sa kusina.

"Babe where are you going?" Boses iyon ng lalaki, hindi ko maaninag kung sino dahil sa madilim ang buong kabahayan at tanging ilaw lang ay nasa kusina.

"Uuwi nako Kauis" Girl said, nangagaling ang mga boses sa guest room, hindi ko alam na hindi lang kami ni Kyo ang andito.

Bumukas ang pinto ng guest room pero hindi ko alam kung sino ang lumabas, tutuloy na sana ako sa pag akyat ng may makasalubong akong babae.

Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madalim, pero huminto din ito sa harap ko.

"Wayne ano ba, madaling araw na letse ka! kung saan saan mo ako dinadala" Sigaw ng babae sa ibaba at biglang lumiwanag ang buong paligid.

Nagulat ako ng makita ang babaeng kaharap ko si Helena iyon.

"Helena?" Sambit ko, gulat din ang reaksyon ng babae ng makita ako.

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon