𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 4

96 7 0
                                    

Halos ilang buwan na ang pasok namin, Naghalal na sila ng mga student officer sa room namin, at walang pinagbago dahil ako na naman ang naging president. 

Naging muse naman si Shasha at si Kyo naman ang escort una ay ayaw pa nito pero wala naman na siyang nagawa ng siya ang iboto ng lahat.

May ibang nagsasabi na magkamukha daw kami ni Shasha, may iba naman na sabi ay hindi, at gayagaya lang daw ako kay Sha. Pero para sakin wala namang panget o maganda lahat pantay sadyang may mga judgemental lang talaga na akala mo. Ikakaganda o Ikakagwapo nila ang panlalait sa kapwa nila. 

Hindi na din kami nag pansinan pa ulit ni Kyo pagtapos ng birthday nito. Kahit na magkatabi kami ay parang hangin lang kami sa isa't isa. 

"Pres what if maglagay tayo ng aircon dito?" Suggest ni Nathalie sakin, napangiwi naman ako ng dahil don, assumera talaga ang isang to, hindi ko nalang iyon pinansin at nag focus nalang sa suggestions ng iba. 

May gaganapin na united nations at lahat ng bansa ay ipiprisinta ng mga studyante na nananlo ng muse and escort. 

Napagka sunduan namin na bansang korea ang them ng room dahil ewan ko yun ang nanalo sa botohan nila.  Hindi naman sumali ang muse and escort namin dahil parehas nilang inayawan iyon kaya babawi nalang kami ng decoration. 

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod ngayong araw. 

"Okay ka lang ba anak?" Nag aalang tanong sakin ni inay. Tumango naman ako dito at ngumiti. "Ayos lang po nay" Ani kopa dito para hindi na sya ganon mag alala sakin. 

Lumapit naman sakin si inay at niyakap ako. "Kung pagod ka anak mag pahinga ka, wag mong ipressure ang sarili mo sa lahat ng bagay, hanggat bata kapa kailangan mong mag enjoy" Seryosong sabi ni nanay sakin. "Opo nay, salamat po" sagot ko sakanya at yumakap din sa bewang niya dahil sa nakaupo ako.

Masarap sa pakiramdam na ganito sakin palagi si inay pag nakikita nyang pagod ako, pero nung mga panahon na sya ang pagod ay hindi ko manlang siya na damayan. 

"Girl! Balita ko may pa concert daw?" Pasigaw na tanong ni Shasha sakin. "Huh? Saan?" Taka kong tanong dito. Dahil wala naman akong nababalitaan na may ganon palang magaganap "Pagtapos ng united nations at laban ng mga muse and escort may pa concert omg! excited nako!" Excited na excited naman nitong sabi at kinikilig kilig pa. 

Pag uwi ay, ganon pa din ang routine ko. Maglilinis ng bahay, luto pagkatapos ay pupunta kay inay para tumulong. 

Nag papa music ako habang naglilinis ng bahay ng tumunog ang cp ko, may nag text kaya agad kong tinignan yon. 

Unknown number:

Hi, pinapasabi ni sha punta ka daw kila mark. 

Sino naman ito? At tsyaka bakit hindi si Shasha ang nag text sakin? baka prank to o scammer? Ay ewan binuksan ko nalang ang messenger ko at nakita ko ang message sakin ni Shasha na pumunta ngako kila Mark. Ano na naman kanyang meron. Agad naman ako naligo para makapunta din agad. 

Pagdating ko ay naabutan ko ang mga ito na nag iinom walang bago, nag aasaran din ang mga ito kaya maingay. Pumasok naman ako sa loob at agad din nakita ni Shasha kaya kumaway ito sakin.

"Sorry girl! hindi na kita nasundo tumakas lang kasi ako eh" Nakangiting sabi nito, pero bakas sa mukha nito ang lungkot, Ano kayang nangyari?. 

"Okay ka lang?" Tanong ko dito alam kung may problema ito. Tumango naman ito sakin at ngumiti, nakipag asaran naman ito kay mark pagtapos. Pagkatapos  namanay hinatid ako ni sha at junior samin. 

"Sure ka bang okay ka lang?" Tanong ko ulit dito ng makababa kami sa motor ni junior. "Yup, wala yun ano kaba!" Masiglang sagot naman nito sakin, napabuntong hininga nalang ako dito hindi kona sya pipilitin baka hindi pa sya handang sabihin sakin. 

Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon