Dalawang taon na ang lumipas simula ng ipanganak ko si Zapphira, isang taon na ito ngayon, malusog ang bata at masiyahin.
"Mama ninang look what Hira doing" Sigaw ni Haley, napalingon naman ako sa bata na umaakyat sa crib nito.
"Don't anak, baka madisgrasya ka sa ginagawa mo" Ani ko dito at binaba sa crib niya. Tumatawa naman itong gumapang palapit kay Haley.
"Don't to that again, Sissy mahuhulog ka" Pinagsasabihan ito ni Haley, pero ang batang mataba ay tumatawa lang.
Napangiti naman ako dahil, tama lang na nasundan na ito nila Shasha dahil pwede na nga itong maging kuya.
Shasha is five months pregnant, ikakasal na din ito kay Hunter.
"West anak baba ka dyan" Sigaw ni Wayne sa mag dadalawang taong gulang na anak nito.
"Sinasabi ko sayo Wayne pag nalaglag yang anak mo ilaglag din kita" Mataray na sabi ni Che-che, buntis ulit ang babae.
Agad naman pinuntahan ni Wayne ang bata at kinarga ito, nasa wildlife kami ngayon kasama ng mga bata, si Che-che kasama si Wayne, si Shasha kasama si Hunter, samantalang ako syempre kasama ko si Sapphira.
Nasa picnic matt kami ni Sapphira dahil dumedede sa bote ang bata, ang dalawang buntis naman ay panya picture samantalang ang dalawang lalaki ay nagbabantay ng mga bata.
"Grabe ang hirap magka-anak ng lalaki, mapapanot ata ako ng maaga nito" Pagrereklamo ni Wayne.
"Anak pa more" Pang aasar ko dito, ngumisi naman ito sakin.
"At least anak ko may tatay" Saad nya, inirapan ko naman ito.
"Biro lang ikaw naman" Dugtong pa niya, pero inirapan ko na naman ito.
Naglibot libot lang kami ni Hira, tuwang tuwa ang bata lalo na pag nakakakita ito ng ibon. Nagpababa si Hira sakin, kaya ibinababa ko ito, hawak ko ito habang tumitingin ng makukulay na parrot.
"Look anak ang ganda ng kulay blue na parrot" Ani ko dito at nilingon, pero wala ito.
Kinabahan naman ako dahil bumitaw pala ito sakin. Hindi ko manlang iyon napansin dahil nawili ako kakatingin ng ibon. Agad naman akong naglakad para hanapin ang anak ko, halos hindi nako magkandaugaga dahil, hindi ko ito makita.
Naglalakad na si Hira pero hindi naman ganon kabilis kaya baka hindi pa ito na kalayo, wag lang sana itong kargahin ng sino.
"Hira anak where are you?" Panic kong sabi, lingon ako ng lingon dahil baka nasa sulok lang ito.
May narinig akong tawa ng bata kung saan, kaya agad ko iyon hinanap. Nakatayo ang bata, may lalaking nakapantay dito, agad naman akong lumapit sa mga ito.
"Hira anak" Sambit ko, ng magtama ang mata namin ng lalaking kasama nito ay halos lumuwa ang puso ko dahil sa lakas ng kalabog non. Nasalubong ko ang nagyeyelong mga mata nito,
"Bantayan mo ng maayos ang anak natin." Malamig na sabi nito, tumayo ito at kinarga ang bata.
"K-Kyo" Utal kong sambit, halos hindi ko alam ang gagawin ko.
"Where are they?" Tanong nito, tumatawa naman ang bata habang nagsasalita ang ama nito.
"Huh?" Sagot ko, dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
"Tsk, asan sila Hunter?" Seryosong tanong pa rin nito.
Nakasunod ako Kyo papunta kung asan sila Shasha, karga nito ang anak namin na inaantok na ngayon.
"Ay puta! umalis ka lang may buong pamilya kana" Sigaw ni Wayne, sinampal naman ni Che-che ang bibig nito.
"May mga bata wag kang magsalita ng ganyan sa harap nila" Inis na sabi nito, pero yumakap lang ang lalaki dito.
BINABASA MO ANG
Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETED
عاطفيةa love deserve a second chance? Kyo and Zhandria.