Palaging wala si Kyo expect kona din naman iyon, hindi ko rin alam kung ano ba talagang purpose ng pagkuha sakin nito, para lang akong ginawa nitong preso sa bahay niya.
Hindi na rin na ulit ang nangyari ng gabing iyon dahil mine make sure ko talaga na nakalock ang pinto ko bago matulog.
Halos wala naman akong ginagawa, buti nalang talaga ay may wifi dito kung hindi ay mabuburo talaga ako sa bahay na ito.
Naisip ko namang tawagan si Shan, dahil sa mimiss ko na ang lalaki, matagal na din itong hindi nag papadala ng memessage sakin, ang last kita ko pa dito ay sa condo ni Shasha, kaso nga lang ay nagmamadali itong umalis ng araw na iyon.
Ala una na ng hapon kaya alam ko wala na itong ginagawa ngayon. Kaya tumawag ako sa phone number nito dahil offline ito sa messenger. Naka ilang ring lang iyon at sinagot na din nito.
"Hello Shan?" Masaya kong sabi sa kabilang linya ng masagot na ito.
Agad din naman may samagot dito [Amm Hello?.] Boses iyon ng babae, maganda ang boses nito at halatang mahinhin.
Nabigla naman ako dahil bakit babae ang sumagot nito at hindi si Shan.
"Where's Shan? and wait who are you?" Kalmado kong sabi dito.
[Shan is sleeping.] Mahinhin na sagot nito, [Oww, and i'm his girlfriend] Parang nahihiya pa na sagot nito, napanganga nalang ako dahil sa sinabi nito sakin.
"You what?" Naninigurado kong tanong dito, dahil baka mali lang ang pagkakarinig ko.
Shan courting me for three years, hindi ako makapaniwala na may magpapakilalang girlfriend nito. Hindi ko din alam ang maramdaman ko sa sandaling ito.
[Who's that babe?] Paos na boses iyon ni Shan, halatang nagising lang ito. [I don't know bab–] Agad ko itong inend dahil hindi kona kaya ang naririnig ko.
Nakatulala lang ako at pinoproseso sa utak ko ang kanina, nag ring naman ang phone ko ng makita kong number iyon ni Shan ay agad kong pinatay iyon.
Ano iyon ginawa nya lang akong tanga niligawan nyako ng tatlong taon tapos, hahanap din pala sya ng iba.
Hindi nako nagluto dahil wala din namang kakain, buong gabi lang ako humilata pero hindi ako makatulog, hindi kona ulit inopen ang phone ko, sa kakaisip ay four am na ako nakatulog.
"Wake up, sleepy head" Matigas na boses ang nag pagising sakin.
Pagmulat ng mata ko ay seryosong mukha agad ni Kyo ang bumungad sakin. Tinitigan ko lang ang mukha nito, sobrang gwapo pa rin talaga ni Kyo hindi pa rin kumupas.
"Hey, tanghali na hindi kapa nakapagluto, nagugutom na ako" Inis na sabi nito at umirap.
Agad naman ako bumalikwas ng ma realize na hindi pa pala ako nakakapag luto, pag kita ko sa wall clock, it's already eleven in the morning na.
"Sorry Kyo, napuyat lang" Sabi ko dito at agad niligpit ang hinigaan ko, wala naman itong sagot at lumabas na ng kwarto.
Nagluto ako ng tinola dahil iyon daw ang gusto ni Kyo, nasa garden ito habang naglalaro ng billiard, hindi ko alam na marunong pala ang lalaki sa larong iyon.
Ng may tumawag dito ay agad nya iyong sinagot, siguro si Catharine ang kausap nito dahil ngumingiti ang lalaki.
Bigla namang pumasok sa isip ko si Shan, siguro kaya minsan ay ngumingiti ito pag nakaharap sa phone nito dahil mahal nito ang kausap niya.
Naranasan ko naman ang ganon nung kami pa ni Kyo, pero kailan ko kaya ulit mararanasan ang ganon.
"Umaapaw na niluluto mo" Boses ni Kyo ang nag pabalik sakin sa realidad, agad ko naman pinuntahan ang niluluto ko dahil umuupaw na nga iyon.
BINABASA MO ANG
Love me again Mr. Ceo (Hatty series 1) COMPLETED
Romancea love deserve a second chance? Kyo and Zhandria.