Chapter 01 | Irvina

7K 231 37
                                    

Elaire's POV

But he didn't.

Sumayad ang aking tingin sa kapang nakapalagay sa aking braso.

He never did, come back, for his cloak.

Napabuntong-hininga ako at paikot na ibinaba ang maitim na kapa sa aking magkabilang balikat. Ikinipit ko ang harapan ng kuwelyo nito bago ako naglakad palabas ng eskinita kung saan ko siya huling nakita. Isa ito sa daan-daang eskinita ng kaharian kaya noong una, kinutuban akong hindi niya ito matunton.

Pero limampung taon na ang nakalipas mula ng gabing 'yon at hindi pa rin siya nagpapakita. I think it is already safe to say that he forgot about his cape... or that he died. Hindi ko naman kasi siya nakasalubong ni isang beses at sigurado pa akong makikilala ko kaagad siya pag nagkataon, dahil walang gaanong ipinagbabago ang mga bampira sa loob lang ng limampung taon. Kahit na tubuan ng makapal na balbas 'yong lalaking 'yon, makikilala ko pa rin siya sa unang silay ko pa lang sa kanya.

He has either completely forgotten that night or he died. If he came from a faraway land or another kingdom, he could've still come back for his cloak before returning to wherever.

I spent every night after that night waiting for him in the same place where he left me, and after a full year had passed, I waited for him occasionally, sa mga gabi lang kung kailan nasa Lumien ako. I made sure to visit every anniversary of that night, of course, but still, I waited for nothing. Not even a trace of him.

Suot ang kapang iniwan niya, tahimik akong naglakad sa mga kalye ng Lumien, pununglungsod o kapitolyo ng Irvina, ang pinakamalaking kaharian sa buong mundo kung saan ako ipinanganak, lumaki, ilang beses nang namatay, at nabuhay muli.

Niwalang-kibo ko ang mga kaguluhan at kasiyahan na nakasalubong ko sa daan. Hindi maipagkakailang ang mga ito ang nagsisilbing dugo na bumubuhay ng syudad. Kung bakit sa dinami-rami ng pwede kong maihantulad, dugo 'yong napili ko, ay dahil dugo ang nagpapatakbo ng buong mundo.

Blood, as far as I know, means everything to everyone. It is what beats our heart and it is what we eat and drink to keep it beating. Blood is everything to the point that in order to hunt, our ancestors developed the superior ability to outsense and outrun most animals. They developed teeth strong enough to tear flesh from bones, and they grew canines so sharp and so long that they could easily pierce through skin and reach arteries.

We still use our canine teeth to suck blood but ever since vampires discovered cooking and we became more and more cilivized, we learned how to retract our canines until it became natural for them to look... less intimidating. Hindi na kami mukhang halimaw katulad ng mga sinaunang bampira kasi hindi na palaging nakalabas 'yong mga pangil namin. Humahaba't tumatalim lang ang mga ito sa tuwing gusto namin.

Huminto ako sa tapat ng bakery kung saan naka-display ang iilang cakes. Una kong napansin ang rainbow cake na nasa gitna. Wala sa sarili akong napatitig dito at habang tumatagal, lumilinaw ang aking repleksyon sa salamin.

Mas makulimlim ang pula ng aking mga mata at buhok kung ikukumpara sa strawberries na nakapatong sa cake. Hindi rin ako kasing-putla ng puting gitna ng mga ito.

Iniisip ko kung gaano katamis 'yong strawberries nang biglang may tumawag sa'kin.

"Elle?"

Nilingon ko ang isang matandang babae na kabubukas lang ng pinto mula sa loob— si Mama, ang may-ari ng bakery. Hindi ko siya totoong nanay pero Mama ang tawag ko sa kanya kasi Mama's Delight ang pangalan ng bakery niya. She also kept insisting that I call her that, kaya hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong totoong pangalan niya.

"Ba't nakatayo ka lang d'yan? Pasok ka," alok niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok ako.

"Mama, magkano 'yong cake na nasa gitna?" tanong ko.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon