Chapter 34 | Numbers

3.4K 203 90
                                    

Emnestra's POV

Naglagay ako ng isang puting rosas sa bakanteng trono. I hoped that the flower could give it warmth, since I am not yet allowed to sit on it. Saka lang ako makakaupo rito pagkatapos ng coronation na gaganapin sa susunod na linggo.

Wherever you are, Dad, sana nakakapagpahinga ka na ng mabuti...

At sa aking pag-ikot, sinalubong ako ng mga ulong bumaba, mga katawang yumuko, mga heneral na lumuhod habang nakatapat ang kanilang mga kamao sa dibdib. I looked at the lords, the admirals, whose eyes never lifted to meet mine because I have not yet said a word.

My days as the heir are numbered...

Am I? Nagkasalikop ang aking mga palad sa harapan ng aking palda. Am I ready to sit on the throne?

I continued to look at them for a whole minute, wanting to see, if someone will try to go against me. If one of them will raise their head even if I haven't told them yet that they can.

No one did. Nanatili silang lahat na nakayuko sa'kin. Ibig sabihin, simula sa araw na'to, bawat salitang sasabihin ko ay ganap, tiyak, totoo. Simula sa sandaling ito, kung sino ako ay kung ano ang kaharian.

"You can rise," tugon ko.

Pagkatapos ipakita sa'kin kung ilang balikat ang kailangan para pasanin ang bigat ng kaharian, sabay silang tumayo upang ipasa ang lahat ng ito sa'kin, pero hindi ako nagpatinag, dahil ito ang dahilan ng pagkabuhay ko— ang mamuno.

"I would like the coronation to be short," sabi ko sa kanila. "No celebration. We are in the middle of war."

"Your Majesty," a lord said.

Your Majesty... Your Majesty... It echoed inside my head. Your Majesty...

"I suggest at least small a celebration," aniya. "It may seem counterintuitive to celebrate during wartime, your coronation can serve as a powerful tool to boost our people's morale. A new reign is always a symbol of hope for the future."

"I agree, Your Majesty," an admiral seconded. "It is important that we rejoice the coming of a new monarch, even in the face of conflict."

Gently rubbing my thumb against my palm, I thought about their advise.

"Just a small celebration then," sang-ayon ko sa huli. Pagkatapos, nilingon ko si Oceanus na nasa ibaba ng trono. Tinanguan ko siya, senyas na gusto ko nang umalis.

He lowered his head as I walked down on the steps, my back straight and my walk precise. Pati 'yong mga hakbang ko ay iningatan ko. Dapat ring magkatugma ang aking tingin at landas, dahil kailangang alam ko lahat ng ginagawa ko at gagawin.

"Tulong!"

The crowd of nobles and generals parted to make way for me.

"Yong mga anak ko!"

Binalewala ko ang mga duguang bampira na lumitaw sa likod nila. Nanatili akong seryosong naglalakad, hanggang sa biglang gumulong sa aking harapan ang isang batang lalaki na wala nang buhay at naglalangib ang buong katawan. Isa sa mga biktima ng sunog na nasaksihan ko ilang taon na ang lumipas.

I looked around at the vampires who started wondering why I suddenly stopped. To save myself, I turned to one of the dukes and asked, "When can I meet my council?"

"Your Majesty." The Lord turned to face me, revealing another burnt victim behind him. A woman whose face was bloody and peeling. "Whenever you're ready. You can summon your council."

"Hmm." I hummed. "Tomorrow?"

"Of course, Your Majesty," the duke replied.

Pinigilan kong mapakurap sa gulat nang bigla akong sigawan ng duguang babae sa kanyang likod, sinisisi ako kung bakit hindi ko siya nagawang iligtas— at 'yong buong pamilya niya.

The Blood MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon